#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello doc FTM po ako. Kanina po nahulog ako sa upuan na maliit nasira po kasi ang isang paa ng upuan. Mga 1- 2 ft siguro ang taas. 38 +6 po ako ngayon. Nag check ako ng heartbeat nasa 132bpm po. Inoobserbahan ko po self ko, kung may paninigas or bleeding. Worried lang po kasi ako. Sana po mapansin niyo concern ko. Thank you

Magbasa pa