#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po Dra. 19 weeks and 3 days preggy po ako today. 25 years old and first baby ko po itong pinagbubuntis ko. Dec. 2, 2019 po yung first day of last menstruation ko. Jan. 9, 2020 - nalaman ko po na buntis ako sa pregnancy test sa diagnostic center. Jan. 16, 2020 - nagpacheck up po ako sa ob. Ang reseta po sakin ay: 30pcs. Multivitamins Caloma Plus cap. 30pcs. Folic Acid 5mg. (Faladin) once a day po iinumin for 1 month. Feb. 6, 2020 - Check up po ulit. Ganun po ulit nireseta sakin. March 5, 2020 - Check up po ulit. 30pcs. Caloma Plus cap. 30pcs. Eazycal tab. Once a day for 1 month Kagabi po, last day na po ng pag inom ko ng Caloma plus at Eazycal. Ano po ang next na iinumin kong gamot? Hindi po ako makapagpa check-up dahil sa ECQ. Sana po, matulungan nyo po ako. Kasi, ayoko pong makalagpas ng inom. Thank you po.

Magbasa pa