#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi dok. Since on ECQ po tayo, hindi makapagpaultrasound/check up. I'm currently 10 weeks na po, maselan po pagbubuntis ko gawa ng pcos ko. Tanong ko lang po sana kung sign po kaya ng miscarriage ang naexperience ko? Nagka clear discharge po ako na parang amoy bleach pero wala pong dugo. Sabi kasi ng ob ko prone daw po sa miscarriage ang may pcos pero hindi nya po kasi nabanggit kung ano po mga sure sign na miscarriage, natatakot lang po ako kasi di makapagpaultrasound at check up ulit. Salamat po.

Magbasa pa