#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Doc, I'm 18 weeks pregnant po 26 years old. Ask ko lang po if may need pa po akong inumin na vitamins, sa ngayon po kasi Iberate Folic 500 lang po iniimon ko. Nag bleeding din po ako nung March 21 may nireseta po sakin na Heragest. Hindi naman na po ulit na ulit ung pag spotting. Inadvise po na magpa ultrasound ako kaya lang wala po tumanggap na clinic and hospital due to ECQ. Safe naman po ba yung baby ko kahit Di kami nakapag pa ultrasound? And pano ko po malalaman if may uti ako? Feeling ko po kasi may uti ako. Ano po best na gawin? Thanks in advance po Doc.

Magbasa pa