#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi doc. 9months npo ako nakapanganak via CS minsan po pag karga ko c baby natatamaan nya yung tahi ko, medyo masakit. Masama po ba yun? Tsaka normal lng po b na paminsan kumakati and medyo parang may kirot akong nararamdaman? Ok lng din po ba na mag-exercise na, abs workout po? Tsaka po ang massage po ba ok lng? Tsaka for opinion po, yung hubby ko po kc may biglang parang pimples sa ulo sa taas ng tenga nya sabi sa online consultation nmin reactivation daw po ng chickenpox, send ko po pic for 2nd opinion lng po. Tsaka bawal po b xa totally sa room kung saan kami natutulog ni baby? Para po d mahawa. Thank you po ng marami.

Magbasa pa
Post reply image