#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Doc, ako po ay nagtake ng PT at nagpositive. Feb. 2 po ang LMP ko, 28 years old, regular 28days cycle. Until now d pa ako nakakapag pacheck up or ultrasound kasi natatakot po kami lumabas dahil sa covid- 19. Ngayon po ay base sa LMP nasa 10weeks and 4days na ako. Nagtatake po ako ng folic acid. Iaadvice nyo po ba na kailangan ko magpacheck up na or mag intay nalang ng 2nd trimester para less risk? Maayos naman po ang pakiramdam ko at walang bleeding. Kasi gusto ko rin po sana makasiguro. Salamat po.

Magbasa pa
6y ago

Ano pa po ang gamot na need ko itake kung sakali beside sa folic acid? Salamat po.