#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

75. Good afternoon, Doc. 27 weeks & 2 days na po ako based sa recent ultrasound ko pero yung pinakaunang transV 26 weeks & 2 days po. Pinapa-CAS na po kasi ako ng OB ko, kaso dahil sa ECQ di po ako makapunta ng clinic. Hanggang kelan po ba pwede madelay yun? Necessary po ba yun? Gusto ko din talaga magpa-ultrasound para macheck si baby pero wala naman po akong nararamdaman na kakaiba. Tuloy tuloy naman po galaw nya. Pero worried parin ako kung importante po ba yung CAS. Salamat po.

Magbasa pa
6y ago

Hello po maam, ideal time po for CAS is 18-26 weeks AOG. Hindi nman po ito requirement sa lahat BUT for HIGH RISK pregnancies(teenage pregnancy, diabetic, elderly age>35yo) and with history of exposure sa mga drugs or sakit esp known teratogenics,(na expose sa may tigdas/ measles, na expose sa radiation/xray, nakainom ng retinoic acid, or mga gamot na hindi pwede sa pagbubuntis) NEED po ng congenital scan. gusto naming mga OB na ma check namin kayo ni baby NGUNIT, upang mabawasan ang possibleng pagkalat ng corona virus, minumungkahi na ipagpaliban muna ito at ilipat na lang sa ibang araw pag mas ligtas na ang lahat. Pero kung may mga DANGER SIGNS or may sintomas na ng LABOR , PUMUNTA na sa inyong OB at hospital. watch out for danger signs of pregnancy(padurugo/ vaginal bleeding, mataas na BP, masakit na tyan, matinding pagsusuka, pagtatae, masakit na pag ihi, lagnat,panlalabo ng paningin, nahihirapan huminga, watery discharge, pamamaga ng mukha at mga kamay walang galaw si ba