#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

73. Hello doc. Kakapanganak ko lang po nung April 12, nandito pa po ako sa qmmc dahil naka nicu po anak ko. Ngayong tanghali after ko po magpadede nagbubos ako kasi mainit saka nagpalit ng napkin. Bigla po akong nilamig at nanginginig. Binat po ba ito? Ano po dapat kong gawin? Salamat po.

6y ago

Hello po maam, congratulations po on your delivery:) pwedeng baka may kaunting fever po (due to dehydration, breast engorgement, UTI) kaya po may chills. better po if macheck po temperature maam and ma rule out if may on going infection po kayo , ingat po and pray :)