#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

5. Hi Doc. 21 weeks pregnant po ako, first time mom, 1st pregnancy. -Kailan po magstart imonitor kicks ni baby? -Paano ko po malalaman na kicks nya po yun at kung may fetal distress po sya? -Paano po ba i-monitor at anong best time sa pag monitor ng kicks nya? -Normal po ba na parang sumisipa sya sa cervix ko? Salamat po doc.

Magbasa pa
6y ago

Hello po maam! :) 1.) As early as 18 weeks po na per perceive na po natin ang galaw ni baby. But for fetal kick monitoring usually we start it pag nasa 26 weeks na pataas na AOG. 2.)Pwede nyo po gawin, before going to sleep, in your most relaxed state, habang nakahiga, observe nyo po ang fetal movemnet ni baby. Ideally 10 kick in 2 hours po ang normal. 3.) Yes normal lang po na may ma feeel kayo sumisipa bsta wala pong mga danger signs of pregnancy(padurugo/ vaginal bleeding, mataas na BP, masakit na tyan, matinding pagsusuka, pagtatae, masakit na pag ihi, lagnat,panlalabo ng paningin, nahihirapan huminga, watery discharge, pamamaga ng mukha at mga kamay walang galaw si baby) Ingat po and pray :)