#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!
388 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magandang Araw po doc. 31 y/o na po ako at may 1 anak. Nagpatrans vaginal ultrasound po kasi ako. Lumabas po 12.5mm ang lining ng matres ko, sabi po nung tumingin sa akin na kapag daw hindi numipis ang lining ng matres ko pagbalik ko ay kailangan daw na raspahin ako. Then both ovaries ko po ay may pcos. Magastos po kasi ang raspa at wala akong pera para sa pagpaparaspa, dahil kasi sa ECQ naubos na ang pera ko. Itatanong ko po sana kung may gamot na pwedeng inumin para numipis ang lining ng matres, Kasi gusto na po ulit naming mag asawa na dagdagan ang anak namin. Sana po isa ako sa mapili nyo para masagot ang tanong ko. Maraming Maraming Salamat po Doktora.

Magbasa pa