#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!
388 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po doc! I'm 22 weeks pregnant with baby #3, my due date is on Aug 8. Sa ngayon po folic acid lang po yung iniinom ko kasi hindi pa po makapagpa check up. Ok na po ba yun as of now? And regular din po yung milk ko kasi madalas na po sumasakit ang likod ko. Hindi ko pa po ba need mag take ng calcium? And pag medyo napapagod po ako sa gawaing bahay sumasakit po yung right part ng abdomen ko, which is nararamdaman ko sya pag pagod din like pag nag jjogging po nung hindi ako buntis. Thanks po doc!

Magbasa pa