#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!
388 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Doc. Good afternoon I'm 35weeks pregnant ask ko lang po san po ba mas safe manganak ngayon due to covid sa lying in or hospital. 1st baby ko po and hindi pa po ako nakakapagpacheck up and ultrasound ulit dahil ER lang po open sa ospital na pinapcheck upan ko. Hindi ko po tuloy alam kung nasa tamang position na si baby .. 😪 Thanks in advance po. Stay safe po

Magbasa pa