#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!
388 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi dra, good afternoon po. I am 13 weeks pregnant today. First time mom at age 35y.o. Ask ko lang po sana dra kung may kelangan ba ko inumin na vitamins for my pregnancy ngaun po ay papasok na po ako ng 2nd trimester. Since nun bago ako magbuntis until now ang iniinom ko lang pong vitamins ay yung IBERET with folic acid lang po as per advice ng oby ko nun last checkup ko nun march 2. Hindi pa po kasi ako makabalik sa kanya gawa ng ECQ. And ask ko lang po may konting ubo po kasi ako dra, ano pong medication ang pwede ko gawin. Medyo may time din po kasi na nahihirapan ako huminga sa ubo ko. Maraming salamat po sa response in advance Doc.

Magbasa pa