#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!
388 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

91. Hi, doc. I'm 21 y/o po. 25 weeks pregnant. EDD ko is July 24. March 03, 2020 pa po ang last check up ko. Obmax at ferrous sulfate ang iniinom ko. Continue ko lang po ba tong mga vitamins? Closed po mga clinic at lab. Di pa po makapag CAS. Ano po pwedeng gawin so far na di nakakapag pacheck up due to ecq? Thank you, doc!

Magbasa pa
6y ago

Hello po maam, gusto naming mga OB na ma check namin kayo ni baby NGUNIT, upang mabawasan ang possibleng pagkalat ng corona virus, minumungkahi na ipagpaliban muna ito at ilipat na lang sa ibang araw pag mas ligtas na ang lahat. Pero kung may mga DANGER SIGNS or may sintomas na ng LABOR , PUMUNTA na sa inyong OB at hospital. 2.) Yes, continue lang po vitamins at 32 weeks : Mega malunggay 1 cap once daily 2.) eat healthy, important po ngayon monitor the fetal movement: 10 kicks in 2 hours, watch out po if nag titigas tigas ang tyan nyo po maam or with any danger signs: padurugo/ vaginal bleeding, mataas na BP, masakit na tyan, matjnding pagsusuka, pagtatae, masakit na pag ihi, lagnat, walang galaw si baby 3.) for routine check up once stable na po ang crisis, Ingat po and pray:)