#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!
388 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

88. Hi doc I'm 33 weeks and 3days pregy and 21 yrs old, ask ko Lang po Kung pwede po bang inumin sabay sabay ung vitamin's na nireseta sakin CALCIUM CARBONATE, SANGOBION IRON+, and OBIMIN PLUS po. Then ask ko din po Kung bat sumasakit po UNG puson ko.thank you po. Tsaka bat po nakalagay sa Ultrasound ko is JUne 4 po Due date ko pero binilang ko po MAY 25 po ung saktong ika 9months ko pag June 4 po Kasi over due na po Ng 2weeks Tama po ba un?

Magbasa pa
6y ago

Hello po maam, 1.)yun calcium and multivitamins pwede po magkasabay after meals then un ferrous po before meals 2.) marami po reasons bakit sumasakit ang puson pwede pong signs of uterine contractions if tuloy tuloy, or full bladder/ puno ang pantog at need po umiihi or may UTI, or pwede din po hindi regular ang pag dumi(constipation), need po nyo mag pa check pag persistent pain maam. 3.) yun due date po (40 weeks age of gestation) , check nyo po yun mother's book nyo, anu finofollow ng OB nyo na bilang during your previous check ups, bsta po > 37 weeks po term na po kayo at anytime pwede na po manganak.