#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!
388 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

73. Hi doc. 38weeks na po ako base sa ultrasound and 37 weeks and 3days sa lmp. Ask ko lng doc kasi kahapon ng umaga nag pa ie ako sa lying in 0-1cm pa daw ako tapos pagka gabi po nilabasan ako ng brown discharge mejo madami po. Ano po kaya possible reason nun doc? At ano po dapat kung gawin? Hihintayin ko po ba muna lalabasan ako ng tubig bago pupunta sa lying in? Wala pa naman po akong pain na nararamdaman maliban sa patigas tigas ng tiyan pero di naman po palagi. Sana masagot nyo po. Maraming salamat doc 😊

Magbasa pa
6y ago

Hello po maam, pwedeng po nag oopen na ang cervix nyo, eto po signs ng active labor: regular na paninigas ng tyan, lasting for 30-70 seconds, hindi po nawawala kahit magpahinga,/ mahiga, nagraradiate sa likod at harap ng tyan, pwedeng may vaginal bleeding or watery discharge po. need po PUMUNTA sa hospital pag in active labor po. Ingat po and pray :)