#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!
388 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

66. Dok, paano malalaman kung open na ang cervix? EDD april 29, 2020 . 37weeks and 1 day na po. 1st baby ko po. Pwede po ba kung gumamit ng primrose? Until now wala pdin akong follow up check up due lockdown.

6y ago

Hello po maam, 1.) here are the signs po ng active labor: regular na paninigas ng tyan, lasting for 30-70 seconds, hindi po nawawala kahit magpahinga,/ mahiga, nagraradiate sa likod at harap ng tyan, pwedeng may vaginal bleeding or watery discharge po. need po pumunta sa hospital pag in active labor po 2.) cervical ripening agent po ang Evening primrose oil(Naturalle/ Eveprim brand) may mga studies po na nakaka lambot po sya ng cervix natin, hence nakakahelp daw po bumuka but it wont guarantee vaginal delivery po. Case to case basis po kasi ang successful vaginal delivery based po sa 3 Ps: 1.) Passenger(size ni baby) 2.) Passages(pelvic bone structure, birth canal) 3.) Powers( enough uterine contractions/na nag dudulot ng cervical dilatation or pag buka ng cervix) If wala nman po kayo allergies, safe naman po sya 1 capsule 3 x a day. Just trust ur OB po and pray maam :) Sana po mag ripen na ang cervix nyo and magkaroon po ng regular uterine contractions po at mag Active labor