#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!
388 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

26. Hi Doc! Ask ko lang po ano dapat gawin, ayaw ko po kasi ma CS, 38weeks and 1 day na po ako, no discharge and no signs of labor, umiinom po ako ng pineapple juice everyday and naglalakad din po. Paano po kaya ang gagawin ko para mapabilis ang panganganak ko? Sana po masagot niyo. 😊 thank you po.💚

Magbasa pa
6y ago

Hello po maam, Case to case basis po kasi ang successful vaginal delivery based po sa 3 Ps: 1.) Passenger(size ni baby) 2.) Passages(pelvic bone structure, birth canal) 3.) Powers( enough uterine contractions/na nag dudulot ng cervical dilatation or pag buka ng cervix) Pwede po mag cervical ripening agent : Evening primrose oil(Naturalle/ Eveprim brand) may mga studies po na nakaka lambot po sya ng cervix natin, hence nakakahelp daw po bumuka but it wont guarantee vaginal delivery po. If wala nman po kayo allergies, safe naman po sya 1 capsule 3 x a day. Just trust ur OB po and pray maam :) Sana po mag ripen na ang cervix nyo and magkaroon po ng regular uterine contractions po at mag Active labor na po kayo , ingat po :)