#AskDok LIVE: Sasagutin ng OB ang mga tanong ninyo!

Marami sa atin ang hindi makapunta sa ating mga check-up dahil sa enhanced community quarantine. Kaya naman humingi kami ng tulong mula sa ating mga duktor para matulungan tayo sa ating mga katanungan. Ngayong March 26, 1-3 pm, sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang inyong mga tanong tungkol sa pagbubuntis. Abangan sa ANNOUNCEMENTS topic ang official post kung saan sasagot si Dok. May naiisip na ba kayo na mga tanong para sa kaniya? TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito kaya't huwag kalimutang mag tune in sa scheduled date and time.

#AskDok LIVE: Sasagutin ng OB ang mga tanong ninyo!
52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po doc, ask ko lang kung anong magandang gawin para makapagproduce agad ng breastmilk? I gave birth last night via ECS. Eh ayun mukhang wala talagang laman tong breasts ko eh gusto ko sana purely breastfed si baby kaso formula nalang daw muna sabi sa nursery. Thanks po sa sagot nyo.

6y ago

Thank you po!