#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Laquindanum!

Sasagutin ni DR. CRISTAL LAQUINDANUM, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Laquindanum!
274 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi po Dra. Ask ko lang po may mga butlig po si baby sa mukha pero hindi naman po ganun kadami(noo sa pisngi at sa gilid ng mata at bibig) minsan lumalabas o halata tapos maya maya hindi na sya ganun kahalata minsan mapula kapag nakadapa sya kinukuskos mukha dun po minsan nakikita dahil namula po. Anu po kaya dapat gawin kailangan po bang pahiran ng cream or normal lang po sa baby na magkaroon po ng ganyan?hindi ko naman din po sinsabon ang kanyang mukha kapag naliligo . San po kaya nakukuha po ang butlig? Thank you dra.godbless.

Magbasa pa
Post reply image
4y ago

Thank you po.. sa ngayon po nawawala. Lumilitawnlang po minsan.