#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Laquindanum!

Sasagutin ni DR. CRISTAL LAQUINDANUM, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Laquindanum!
274 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Good evening doc! Ask ko lang po kung ano po kaya yung mga puting butlig malapit sa butas ng pwet ng baby ko po? Nung March 17 ko lang po napansin yung isa tapos after po ng mga 2 days dumami na po. Para po syang maliliit na pigsa or tigyawat na may pus pero puti hindi green. Nagkaron po sya ng ganun noon pero isa lang at normal naman daw po yun dahil daw po sa bcg. He just turned 4 months old po dok. Ano po kaya pwede kong gawin? Thanks ahead ang God bless po! 🙌😊

Magbasa pa
4y ago

hello po! tapos na po ang session na ito. but dont worry po, meron po tayong mga doctors na sasagot ng mga tanong tungkol sa kalusugan ni baby. dito po i-post ang inyong tanong para po masagot nila: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-0402-pedia-official/1879531