My baby girl ?

Ashley Joy Lavigne Enriquez ? December 16, 2019 at 2:33pm 3.3kgs and 52cm Via NSD Share ko lang experience ko as a first time mom here. ☺ 3am nagising ako para umihi, medyo nanakit na balakang ko nun. nakaidlip ako at 5am, nagising ako kasi may nagleak na tubig sa pwerta ko, akala ko ihi lang since di ko mapigilan. Ginising ko na asawa ko sabi ko pumutok na ata panubigan ko pero di pa ganon kasakit yung narramdaman ko. Naglinis lang ako nun at nagdiaper na. Habang nagalalakad para makahanap ng masasakyang tricycle, di ko talaga ramdam yung pain na sinsabi nila pag naglelabor. Pagdating sa ospital, diretso na ko ng OB. Sinabi ko nagleak na panubigan ko. pag ie sakin 2cm palang ako. pero inadmit na ko, tinurukan ako ng antibiotic at dextrose. by 6am inakyat na ko sa delivery room. Wla talga akong hilab na nararamdaman. mga 7am di pa ganon kasakit. minonitor na nung nurse yung heartbeat ni baby. By 7am di pa din ako nakakaramdam ng pain kaya ginawa nila catheeter ako, tpos may pinasok sa pwerta ko na parang jelly na sobrang haba. isang ruler ata yung haba nun. maya maya biglang tuloy tuloy yung hilab ng tiyan ko. sobrang sakit, para akong natatae na wala nmang lumalabas. sa sobrang sakit, sinusuntok ko na yung pader at tinatawag ko na yung nurse na sabi ko sobrang sakit na di ko na kaya. kung pde ics na nila ako. sabi niya may dahilan kung bkt iccs. kung kaya ko daw inormal inormal ko. tuloy tuloy pa din yung hilab halos para na kong mamamatay sa sakit pero still, kinakaya ko para sa baby ko. by 11am in-ie ulit ako 4cm palang ako. by 12nn nag 6cm na. sabi sakin ng doctor, kapag hihilab daw iire ko ng malakas para tumaas yung cm. Ire ako ng ire kada hihilab. By 2pm tinutukan na ko ng nurse na in charge. sabi nya kpag hihilab daw iire ko ng malakas at mahaba dahil bumababa na daw heartbeat ni baby. Sa takot ko kahit wala na kong lakas, iniire ko talaga ng malakas. Sobrang hirap! kasi naka catheeter pa ko. ako lang yung nakaganon don sa lahat ng naglelabor. 2:10pm nag 10cm na ko. Fully na kaso may nauna sakin kaya sya yung unang pinaanak since isa lang yung doctor. Waiting ako sa labas ng delivery room habang ire ng ire. Pgtpos ng pinapaanak, sumunod na ko. kaso ayaw pa din lumabas ni baby nakailang ire na ko halos kinakapos na ko ng hininga at wala na din lakas. hiniwaan nko pero stock pa din sya. Pagkahiwa ulit sakin hanggang pwet sabay ire ko ayun lumabas na sya. Sobrang worth it nung nilagay sya sa dibdib ko. umiiyak sya habang nakahawak sa daliri ko. huhuhu naiyak ako habang pinagmamasdan sya. sobrang hirap ng dinanas ko pero sobrang worth it talaga mga momsh ? Kaya sa mga firtstime mom dyan, kayanin nyo! God is Good all the time. ? Godbless all. pasensya na napahaba yung kwento ko. Ngayon mag 1month na sya sa 16 nakakatuwa kasi 4kgs na sya agad.☺ Sobrang lakas dumede.

My baby girl ?
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

congrats momsh😘

congrats mamsh!