Birth Story

Sharing my birth story. Team December, baby out! My baby girl Carlisle Renesmee. DOB: December 07, 2020 // 10:39pm EDD: December 20, 2020 December 6 ng gabi nag insert ako nung pampalambot ng cervix na advise sakin ng OB. Tanghali na ko nagigising lagi, nasanay kasi ako sa work ko na pang gabi kaya nung December 07, 2pm na ko nagising, pag bangon ko biglang may water na hindi ko mapigilan paglabas, akala ko naihi lang ako. Nagpalit ako ng underwear, then maya maya ayan nanaman yung tubig. Wala naman akong pain na nararamdaman. Kumain muna ako bago kami nag decide na dalhin na ko sa hospital. Bandang 3:30pm kami nagpacheck up. 2cm na and ruptured na ang amniotic sac kaya tumutulo na panubigan ko. Sinabihan ako na pag di tumaas ang cm ko at di pa lumabas si baby hanggang Dec 08 ng umaga for CS na ko. 7pm ako nag start makaramdam ng pain, nung una tolerable pa, hanggang sa tumindi ng tumindi yung pain, 8:30pm na 2-3cm pa din. Around 9pm mahigit sobrang tindi na ng sakit, pag check sakin 4cm na. Then may nilagay sila sakin na para daw ihi, makakatulong din daw yun kay baby para bumaba ulo nya. After nila nilagay yun, tumindi lalo yung pain, halos non stop na talaga yung pain. Pag check ulit nila 8cm na pala kaya binaba na ko sa delivery room. Tapos sa delivery room tinanong ko pa yung doctor, ilang cm na po ba, di pa ba lalabas si baby. Sagot sakin nung doctor, wala ng cm ikaw na lang hinihintay namin umire. Isang mahabang ire na lang kulang. πŸ˜… aba malay ko ba haha, di naman nila sinabi. Unang ire ko mali daw haha wag ko daw igalaw balakang ko at wag biglang bawi. Sunod na ire ayun okay daw isa pa daw, edi umire ulit ako ng ganun. Tapos yun di ko na alam mga sumunod na nangyare kasi nilagyan na nila pampatulog yung dextrose ko. Nagising na lang ako nung tinatahi na ko kasi naramdaman ko, sabi ko pa aray ano ba yun ang sakit. Sabi sakin nung doctor, matulog lang daw ako kasi duduguin daw ako pag gumising ako. Edi ayun pumikit ako kahit ramdam na ramdam ko yung pagtahi nila sakin. πŸ˜… Grabe pala, walang katumbas na sakit ang paglabor, ayoko na umulit πŸ˜…

Birth Story
32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

congratulations momsh..πŸŽ‰πŸ‘Ά ako tuwing nag labor ako non lagi ako umiiyak tapos sinasabi grabe ayoko na sobrang sakit at hirap.. tapos ayun pang apat na ngayon preggy ako 8 weeks humabol pa sa 2020.. πŸ˜†

Congrats po. Ask ko lang po kung kelan po kayo nagpa covid swab test bago kayo maadmit. Katulad po ng situation nyo. Edd nyo is dec 20 pero lumabas si baby dec 7. Pano po ung swab nyo?

Same here moms pag tapos j dn manganak sabi ko sa lip ko ayoko na manganak nkakadala sobrang sakit pla ftm πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Ramdam n Ramdam k db nung tinatahi πŸ˜‚πŸ˜‚

congrats po.. huhuh..every time nkakabasa ko Ng mga story dito d ko mapigilan di kabahan😒😒 d ko alam Kung panong paghahanda gagawin ko...

4y ago

ako din mamsh! hahahhahaha diko alam pano ko irready sarili ko everytime nakakabasa ako ng mga ganito dito. huhu

Congrats mommy sobrang sakit talaga ng labor nakakaiyak haha naalala ko yung sakin tanong din ako ng tanong kung ilang cm na

relate ako mommy sabi ko ayaw ko na last nalang to nka pangalawa baby na me huli di ko na alam. umiri hehe

congrats momshh. pero walang katumbas ang pagod, hirap at sakit pag makikita mo na si babyβ€πŸ’―βœ”

Pag po ba tinatahi walang anesthesia or pampamanhid na nilalagay? Ang sakit naman non

Cute ng name. Twilight fanatic here 😊😊😊. Congratulations momsh.

sa twilight galing yung name ni baby hehe congrats mommy!