729 Replies
Rich and Kind kasi maganda yung kind dahil naaalagaan ka ng maayos, maganda rin pag may pera kasi na bibigay ng maayos ang pangangailangan niyo ni baby. May iba gusto lang mabait pero alam ko na s-stress kayo kapag mabait asawa niyo pero di maibigay kahit gamit lang ng baby. Di naman sa mukha akong pera pero kailangan rin talaga ng pera lalo na at may baby. Hindi mo mapapakain sa baby mo yung kabaitan ng partner mo. Kailangan mo ng partner na mabait ay may pera. Hindi rin porket mayaman ay barumbado nasa tamang pagpili talaga yan.
kind husband kc pwede naman magsikap kayo pareho para maging maganda ang buhay niyo mas masarap sa feeling ung totoong saya keysa ung masaya kalang dahil nakukuha mo gusto mo dahil mayaman ang asawa mo pero deep inside naman sa relation hinde ka masaya. Pero sa Kind Husband meron pabang ganun? usually nga mas masama pa ang ugali ng mga naghihirap mukhang pera, hinde ko naman nilalahat pero meron akong kilalang ganun na nakuha pang manloko kahit may asawa na dahil lang hinde sapat kinita ng asawa niya.
Pwede both? Hehehe. Well para sakin mas okay pa din ang mabait! Lamang yun. Yes being rich can provide for your family’s needs pero ang mabait can go a long way. Kahit mahirap ang buhay, having a kind husband makes life easier. Diba? One that is concern of the family’s welfare and kung nagwwork naman sya, it means he can also provide hindi lang mayaman. I’m also working so we can both help each other, to get rich maybe hehehe.
Kind kasi pg kind ka maraming blessings ang dadating sayo.. At dahil kind ka magiging rich ka😂😂. Kasi Marmi kng kaibigan na ngmamahal sayo... Don palang Mayaman kana.. Anong gagawin mo sa Taong rich Kung ni wala namang manners... Ang pagiging rich maabot mo rin Yan pg nagsumikap ka sa buhay at maging mabuti at mabait ka sa kapwa pagpalain ka ng dyos
mabait syempre, aanhin mo yung mayaman kung masama naman ang ugali at maramot sa kapwa. dun ka nalang sa mabait kahit walang pera pero handang tumulong sa kapwa. 😊 at isa pa ang pera kinikita pero ang mabuting pag uugali hindi basta nakikita.
asawang mabait. kasi ang asawang mayaman,di mo matuturuan pano maging mabait at marespeto. ang asawang mabait,hindi man kayo mayaman,maaasahan mo naman na hindi ka papabayaan maghirap,magutom. kasama mo sya na magsisikap para sa inyong dalawa.
For me, hindi lang sapat na mabaet ka. Kc may possibility na mabaet ka nga pero may katamaran ka sa pagtulong ng gawaing bahay. Mahirap sa part ng babae lalo na kung maselan magbuntis. Dapat marunong ka mag-alaga, mag-asikaso, makisama at makiramdam..
PLEASE HELP US WIN . 😊 Pa click po ng picture ng anak ko below. then pa ❤️ react po sa mismong picture. Don't forget din po pa like and follow ng page. 😊✨🥰 Maraming Salamat po ! ❤️ https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1263722370696681&id=100011767903805
asawang mabait.. dahil kapag mabait magsisikap yan para sa pamilya...kung asawang mayaman naman.. kung wala naman time sau at iba ang trato sau kapag tumagal wala din.. pera kikitain pa ng asawang mabait basta masipag..pero depende pa din kung anong gusto mo sa lalaki..
Kind parang si hubby ko 😍 Kahit minsan sakto nlng pera nya pnapahiram niya pa kasi naaawa siya. Naiinis nlng ako minsan kasi un nlng pera niya snsbi niya nlng okay lng sobrang kailangan nila eh pero ano magagawa ko ganon partner ko 😂 Proud of him 🥰