ASAWANG TAMAD
May asawa rin ba kayo na ubod ng tamad sa pag aalaga ng baby? Ni halos di mahawakan anak namin pag uwi ng trabaho halos gusto dumutdot ng cp. Sa madaling araw di rin gumigising pag umiiyak anak nya. Halos ako. Sa umaga una pa ko magigising sakanya dahil maaga nagigising anak namin. Tapos magrereklamo pa sayo na di sya nakatulog ng maayos.

sobrang hirap maging nanay lalo na kung wala kang makukuhang physical at emotional support. may times na parang sasabog na ang puso at utak mo pag umaatake ang depression. swerte mo kung mabuti ang asawa mo at natutulungan ka. kadalasan mga lalaki ngayon kung mura murahin at pagsalitaan mga asawa nila kala mo mga katulong nila e. yung friend ng kapatid ko dito sa cavite cs sya. simula umuwi sila sya na nag alaga sa baby nila. lagi pa daw sila nag aaway nung asawa nya. sa sobrang pagod daw at stress nabinat yung friend nya. pero nagagalit daw yung asawa pag nagsasabi yung girl na gusto munang magpahinga kasi obligasyon daw yun bilang nanay. maraming sama daw ng loob at sobrang pagod at puyat. isang araw na lang nagpakamatay yung babae sa depression.
Magbasa pa



