ATM
Anu pong masasabi nyo dito mga misis??
Minsan mga pulitiko sablay din mag isip. π Para sakin, depende yan sa setup ng household. Kung ang father lang ang nagtatrabaho, natural na ang mother ang magbabudget ng pera dahil sila ang nakakaalam ng day to day na gastusin. Iba naman setup if same may work ang mag asawa parang kami ng husband ko. Dedma ako sa ATM niya as long as nabayaran na niya share niya sa utility bills and grocery allowance namin and nakapagdagdag sa savings account namin. Nasa desisyon yan ng mag asawa pano nila ba-budget-in ang pera to make sure na hindi sila kakapusin sa mga pangangailangan. Mas economic abuse kung walang maibibigay ang tatay dahil naubos ang sweldo sa ibang bagay.
Magbasa paNasa mister na yan kung pati relasyon nyong mag asawa eh kokontrolin ng batas. Kaya nga may sarili kayong batas sa bahay eh. Nasa pag uusap yan. Naku ung mga mister cgurado na kuripot, bugbugero, sugarol, adik agree sa inyo. Na walang pake na magutom ang mga anak nila basta nasa kanila pera nila kesyo naaabuso sila ng misis nila. At hindi lahat ng babae, umaasa lang sa lalaki! Kaya din namin kumita ng pera kahit wala kayo! Kahit nasa iisang bahay lang kami ng asawa ko, kung ayaw nyang magbigay ng budget. EDI WAG SYANG UMUWI NG BAHAY, WAG SYA DON KUMAIN, MALIGO, MATULOG AT UBUSIN ANG PERA SA LUHO NYA, EDI MAG BUKOD KA! πππππ
Magbasa paHawak ko atm ni Hubby ko. Siya kasi ang kusang nagbigay kasi as per him, wala siyang control sa pera. Tuwing may sahod na kami, same kasi kami ng work, lagi ko siyang tinatanong kung may kailangan ba siya. Kung may gusto siyang bilhin and so on. Everyday may certain amount lang siyang kinukuha sa wallet namin. I don't know kung masama ba yung set up namin pero nagwowork naman siya sa amin parehas. I tried din na ibalik sa kaniya lalo na nung pregnant na ako kasi di naman na ako lumalabas pero after niya magwithdraw, binabalik niya din sa akin kasama yung cash. Never din kami nagaway sa pera. Open kasi ako sa kaniya.
Magbasa paI think depende pa din sa pagsasama ng isang magasawa yan. Meron din naman mga lalaki na prefer na yung asawa nila humawak ng pera, kahit both silang may work or si mister lang ang meron. But personally, mas gusto ko na sya humawak ng pera nya. It his own earnings, pinagkakatiwalaan ko sya at alam nya yung mga bagay na dapat unahin, and I have my own earnings. Sa bawat gastos nya din naman alam ko ganun din sya. Kumbaga pagiging transparent na lang din at honesty sa bawat party. Luckily din na wala syang bisyo, ako pa yung nagtutulak sa kanya na makipaginuman at umuwi ng lasing π kaso sya naman may ayaw π
Magbasa paDepende siguro sa asawa yan,napakasimpleng usapin yan.May babaeng nang aabuso ng partner at vise versa sa lalaki.Nung may atm pa asawa ko hawak ko atm nya.Minsan dalawa kami kumukuha sahod nya Kasi gusto nya ko isama.Nakalista lahat ng gastos namin sbi ng asawa ko no need.Pero ako Kasi ung tipo ng tao na kelangan nakaayos ang lahat. Pra mabudget ng maayos ang sahod.Nsa pag uusap yan ng mag partner pati ba nman yan gagawan ng batas?π€£Better unahing isabatas ung pagsasaayos ng batas sa Pinas Kasi bulok ang batas dito.Guilty sa kaso tapos nakakalaya pa rin para maghasik uli.
Magbasa paAko personally ayaw ko ng gantong set up kahit gusto ng asawa ko. Hihi. Ako kasi independent ako pagdating sa finances, kaya gusto ko matuto din humawak ng pera asawa ko. Basta nabibigay niya yung sapat para sa gastusin sa bahay, bahala na siya mag budget sa natitira sakanya. Lalo syempre alam ko may mga pangarap din siya mabili para sa sarili niya. Pano niya naman maaachieve yun kung walang matitira sakanya. Ang lungkot kaya nun. Kahit naman may asawat pamilya na tayo dapat may mga personal achievements pa rin tayo. Para masaya ang life π
Magbasa paHuh? Oa neto. Hindi lahat ng mag asawa babae ang humahawak ng pera.. katulad ko, asawa ko lahat nagbbudget at anak ko lang iniintindi ko.. Hindi ako nagrreklamo doon dahil lahat ng gustuhin ko at ng anak ko naiibbgy nya ng maayos kahit pa luho yan.. At dahil pulis asawa ko mandatory sa kanila to hold their own ATMs. Sana wag nyang lahatin ung patungkol sa ATM card n yan.. My husband decides in our monetary, not because i want to, its because he's the head of our family..Kanya kanya yan at napaguusapan.. π€¦ββοΈπ
Magbasa paDepende po yan sa inyo mag-asawa. Yung hubby ko kasi ayaw ko pakielaman yung sahod nya since may work din naman ako. Ayoko kasi dumating sa point na hanapan ako kahit di naman sya ganon. Haha. Basta sya nagbabayad lahat ng bills namin okey na ko don. Sya lang nag-iinsist na hawakan ko atm nya kaso di ko parin winiwithdraw, kaya ginagawa nya, sya na nagwiwithdraw tapos ilalagay nya lahat ng tirang pera sa wallet ko pati atm nya. Kapag binabalik ko ayaw tanggapin, hihingi na lang daw sya kapag kailangan nya.
Magbasa paLike sabi nga po ng ibang comment dito depende po sa couple yan like samin po ni hubby atm nya nasa knya and di ko na inuungkat hm sinahod nya kasi ang good thing kay hubby sya mismo nag sasabi and di ako nahawak ng salary nya dahil may work din ako. At thankful ako kasi mas magaling humawak ng pera si hubby samin dalawa kaya never kami nag ka problem about sa ganito situation.. basta mahalaga open communication kayo dalawa lalo na sa ganito financial status nyo dalawa. βΊοΈ
Magbasa paDati wla pa kmi anak ako my hawak NG ATM at ako ngwe2draw ngaun my anak na lagi ako hinahanapan NG pera kea cea na pnapahawak ko NG atm at pera nea..basta cea bahala sa lahat bill at gastusin Kung bi2gyan ako ok Lang Kung nde ok Lang dn kea lagi mainit ulo ko pag wla ako work KC wla dn akung pera kea khit breastfeed c baby ngwo2rk prin ako pra my pera dn ako at nde ako takot mawala cea kc kea Kung buhayin sareli ko at anak ko..madamot na c hubby ngaun
Magbasa pa