ATM
Anu pong masasabi nyo dito mga misis??
Sa dami ng problema sa earth yan pa talaga naisip niyang issue, Sa case ko naman never ni lip binigay sakin atm niya kahit password d ko alam,dating may work ok lang kahit d ako humingi sa kanya pero ngayon na wala akong work sympre sa kanya ako aasa..humingi lang ako pag may bibilhin lalo na mga needs ni baby d naman siya nagkukusa magbigay.pero ok lang ako sa ganyan kasi pera niya yan.pinaghirapan niya kung kusa siyang magbigay d mabuti..
Magbasa pakami ng lip ko napag usapan namin yan about sa sahod nya, sakin ang per day nya at sakanya naman ang incentives nya. binibigay nya sakin sahod nya pero yung incentives nya sakanya na yun syempre pinaghirapan nya din naman yun at may mga gusto din naman syang bilhin para sa sarili nya kaya hinahayaan ko na lang. pero minsan pag may bayarin sya tulad ng paghulog sa motor at di kaya ng incentives nya naghahati kami sa sahod
Magbasa paDepende sa arrangement nila. Kung napagkasunduan nila na si mrs ang may hawak, or whatever. Basta malinaw ang priorities nila financially at may freedom sila na bilhin yung wants nila as long as nababayaran ang mga dapat unahin. My fiance manages our finances, may excel sya lagi ng expenses, perang pumapasok, nakabudget kung may need or want bilhin. It works for us and he's happy to do it so I let him be.
Magbasa pahahaha mukang wala tinitira kay kuya ung asawa nya pero smin ng asawa ko ๐ dati may kanya kanya kming pera pero ngaun magkakaanak na kmi sya na humahawak ๐๐๐ magastos kc ko pag asakin ung pera kung ano ano binibili ko di ko na bubudget ng ayus kaya sya ng bubudget binibigyan nya nlng ako ng pambili ng gusto ko or minsan nahingi nlng ako mas magaling kc humawak ng pera asawa ko ..
Magbasa paKinukuha siguro ng asawa neto atm nya (kung may asawa man sya ๐). Sa amin ni hubby nasa kanya yung atm nya sa salary nya pero may atm syang hiwalay para sa akin para daw pag need ko may makukuhanan ako, di ko lang kinuha makakalimutin kasi ako eversince. Pag may need kami ni baby isang sabi lang sa hubby ko ibibigay nya, di nga lang agad pero naibibigay naman.
Magbasa paako ever since simula namin ng tatay nitong dinadala ko.. hindi nia ako naringgan na humingi sa knya.. ๐ ๐ kahit ngayun na buntis ako.. nubg umuwi din sia dto sa bahay.. inaabot nia sakin yung pera nia.. ako daw maghawak.. pero hindi ko kinuha.. hinayaan ko lang na sia maghawak.. kumujuha lang ako kapag nay bibilihin akong pagkain..
Magbasa papartner ko nga sya may control sa pera nya. sya nagbubudget and all. ako antay na lang kung ano grocery nya. so wala talaga akong hawak na pera, nag-resign din kasi ako para maalagaan ko ng mabuti si baby lalo at ayaw nya ng formula milk so I have to sacrifice my work. yun nga lang ending is kulong ako sa bahay ng walang kapera pera. ๐ข
Magbasa paasawa ko may hawak ng pera nmin. may income kami preho. pru alam ko kung san napupunta yung pera. pati yung pera nmin sa banko. since sya nmn yung namimili at namamalengke. ๐ utos lng ako ng utos kung ano gusto ko bilhin. very transparent nmn sya, kahit nga kung ilan ang nspend nya sa pagkain pag nasa work sya sinasabi nya sakin.
Magbasa paWe're open po sa ganitong usapan ng hubby ko. Actually since nung magbf pa lang kami, ako na talaga nahawak ng money or atm niya. But I'm not stopping him sa pagbili ng mga kung anu-ano most especially sa mga accessories niya sa sasakyan. Baka di lang siya love ng asawa niya kaya ganyan opinyon niya. Hehehe.
Magbasa pabakit ba nangingialam kayo sa usaoing mag asawa.. desisyon na un ng mag asawa kng ishare ba nya atm or hndi dba??? mamaya kasi ung ibang lalake jan abusuhin ung batas na ganyan lalo pag babaero.. nako di aq boto sayong isusulong na batas... madaming mag asawang mag aaway at mag kakasuhan dhil jan..