Diaper for baby
Anong mas magandang brand ng diaper para sa mga new born? I already tried HUGGIES, PAMPERS and EQ. All of them, wala akong mapili. Any suggestions mga mumsh? Thanks! ?
Dun tayo sa hiyang si baby. Meron kasi ibang baby na maselan. Yung mga anak ko hindi maselan kaya alternate pagbili ko sa mga ganyang brands.
I used EQ dry when my son was a newborn tas we changed to huggies bc mas mura to buy that in shopee thats in bulk so okay naman siya 😊
ginamit namin nung newborn baby ko mamy poko. may mga bagong brands na you can also try: merries, sweety baby, playful and sweet baby
Advice po sakin Happy Diaper muna kasi puro ihi lang naman daw pag new born. Pag older na daw po saka na mag switch sa pampers or eq
Huggies and pampers yan npo actually magaganda. But since you are still looking for something better. Mamy PoKo na po pinka maganda.
Starr Diaper ang gamit ng baby ko, mumurahin lang na diaper pero so far hiyang ang baby boy ko na 1 month Old .wala naman rashes.
Depende po saan hihiyang si baby heheh. Try mo po lahat, bili ka muna konti, pang tag iisang araw lang para malaman mo ;)
drypers wee wee dry po.. maganda sia, ndi nag rarashes si baby ko since gumamit ako nun sa kanya..😊
ako kasi sa morning eq pag night po pampers premium. sa mamy poko kasi di nahiyang si baby nagkarashes sya e.:(
pampers premium care the best talaga... mas maganda gamitin kaysa pampers baby dry... medyo pricey nga lang