10 Replies

Hi Sis! Sana ay mabuti ang kalagayan niyo ni baby ngayon. I feel that this situation is beyond your control, lagi mo tatandaan na sa atin bilang mga tao ay maraming imposible, pero sa Lord wala. And maraming magagandang advise yung ibang mommies dito, wala namang masama na hangarin mong mabuo ang pamilya niyo pero sabi mo nga na may gf na siyang iba. Ang masasabi ko lang sayo, go back to God. God can change our situation or lead us to where we are supposed to be in this life. Syempre si baby ang mas kailangan ka, isipin mo, kung anong feelings ng mommy times 3 or more pa sa baby na nasa loob. Walang madali, pero I pray you find comfort and peace in God. ❤️ Wag mong pababayaan ang sarili mo, sa ngayon love you and your baby muna. If possible to cut ties sa ex mo at kung kaya mo naman buhayin ang anak mo, do it. God will let him realize the family he lost, di natin alam when but trust God. Ingatan mo ang sarili mo! God bless!! ❤️❤️❤️

Para sa akin, yes, hayaan mo na lng sya. Kung ngayon pa lang ay hindi ka na nya kayang ipagtanggol, huwag ka nang umasa na magically magbabago sya bigla. You deserve someone who will actually love and choose you. Kung willing sya na maging part pa rin ng buhay ng anak mo, then ok, I think your baby deserves that, pero hindi naman kailangang magkasama pa rin kayo in order for him to co-parent your child. Kung pipilitin mo sya to stay with you, kahit hindi ka na nya mahal, broken family pa rin naman ang magiging ending nyo. Kaya it's better to just give each other a chance to find happiness separately. Syempre mas ok rin sana kung kahit magbigay na lng sya ng sustento...

let him go sis if ayaw niya mag stay. you won't have a complete family if ipipilit mo tas di willing yung isa. mahihirapan ka lang. I actually broke up with my boyfriend too. at first I was worried, syempre mawawalan tatay anak ko. but then I realized that it just wouldn't work and ako lang nahihirapan. the stress might affect my pregnancy so I decided to end the useless relationship. although it's hard to provide for everything I need for my pregnancy by myself. I didn't have a choice. besides kahit Naman nung kami pa Wala din Naman Siya naitulong kungdi sama ng loob. I'm better now emotionally. Barely getting by financially 😅 kaya natin to sis.

Wag mo sukuan, para kay baby mo, tama ginagawa mo na hnd mo sya sinusukuan ngayun, paghiwalayin mo sila ng gf nya, talk with a friend na sya gumawa ng paraan para maghiwalay sila like kausapin ng friend mo ung gf nya ngayun para maconsensya sya. Para kay baby yan, mahirap kasi pg walang ama ang isang bata, lage mgtatanong yan kung bakit ung ibang bata may tatay at nanay, tapos mghahanap yan ng pagmamahal ng ama, para kay baby mii gawin mo lahat at wag mo sukuan si ex mo. Maniwala ka saken mahal kpa din nya

TapFluencer

Hi miiii .. 100% Yeeeeesss ndi mo kailangan ng mga ganyang tao/lalaki raise your child on your own. Yung mga ganyang lalaki isn't worth it. Reasons aren't acceptable ndi mo lang kinibo nagka jowa na ng bago tapos ikaw pa pinaghahabol wow. Nakakahiya sakanya kalalaki nyang Tao. Tigilan mo ng maghabol sakanya ndi naman worth it. Tas reason sweet yung girl sakanya? Haha shet what if ndi na din maging sweet at nabuntis din nya yon? so, hahanap sya ulit ng iba?.

Yes,hayaan mo na sya gurl. Sustento nalang sa bata ang habulin mo sa kanya khit wag na sya. Wag mo na ipilit na magkabalikan kayo,malas mo at napunta ka sa lalaking walang kwenta. Sustento nalang kamo para sa bata,baby mo nalang isipin mo. Need mo magpachevk up,vitamins,ultrasound,cravings. Yan ang habulin mo sa knya kase lahat yan para sa bata.

VIP Member

hayaan mo na sya, wag ka na magpastress sa kanya dahil may impact kay baby ang stress. Ung health ni baby and first priority nating mga mommies. Then, calmly (alam ko mahirap) kausapin mo si ex kung ano mga kailangan nyo ni baby esp sa panganganak mo. Kahit me gf na sya me responsibilidad pa rin sya kay baby.

Kahit dina kayo magkabalikan , sabihin mo nalang sa kanila nung gf nya na buntis ka at ang kailangan mo sustento. Kahit yun nalang at hindi kana kamo mangingiaalam sa kung anong relationship meron sila. Ang importante ngayon is yung baby na dinadala mo .

Same situation, momsh. Iwan mo yan. keri mo naman sguro buhayin baby mo mag isa. Ginusto din natin mabuntis eh. so whatever happens dapat keri nating mag-isa. wag maging dependent sa lalaking walang silibi. 🥱🤷‍♀️

malas naten momsh, napunta tayo sa walang kwentang lalaki, lalabas talaga ang tunay na ugali na once na nabuntis na nila tayo, gooshhh☹️

Hayaan mo na sya dun and file for child support focus ka sa baby mo

Trending na Tanong