kwento na may kasamang tanong

anong gagawin ko ba kase nong sinabi ko sa ex ko na buntis ako at nag positive ako sa pt, una nag aalala sya tapos lagi akong galit sa kanya 2 days di ko sya kinausap then nagchat ako sa kanya na ganyan ganon, tas sinabi nya sakin na may gf na daw sya, so ako na shocked ako like wtf isip isip ko na nakapag gf kapa sa lagay na to ni hindi nga natin alam kong anong gagawin naten kase parehos tayong di handa sa nangyare kaya daw sya nag gf, kase daw sweet daw yong girl sa kanya, eh ako that time siguro dala na den ng pagbubuntis ko e yong mainitin ang ulo at laging galit. then nagmakaawa ako sa kanya na balik na nga sya kase ayaw ko naman na broken family e, sabi ko ako ang piliin mo tas sabi nya ikaw naman lagi ang pinipili ko, pero walang nangyayare e, pagod na pagod na ako, likeee sa isip (shitt naman ngayon kapa napagod eh binuntis mo ko) halos ngayon wala syang pakialam sa kin kahit umiiyak pa ako pinagmamalaki pa nya sa lolo nya na umiiyak without knowing kaya ako umiiyak dahil sa stress sa kanya, hanggang sa nagcrecravings nako wala syang pakialam talaga kahit sabihin ko kong anong narafamdaman ko wala syang pakialam lagi nyang iniiba ang usapan ano ba dapat kong gawin? hayaan nalang sya sa gf nya ?

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi Sis! Sana ay mabuti ang kalagayan niyo ni baby ngayon. I feel that this situation is beyond your control, lagi mo tatandaan na sa atin bilang mga tao ay maraming imposible, pero sa Lord wala. And maraming magagandang advise yung ibang mommies dito, wala namang masama na hangarin mong mabuo ang pamilya niyo pero sabi mo nga na may gf na siyang iba. Ang masasabi ko lang sayo, go back to God. God can change our situation or lead us to where we are supposed to be in this life. Syempre si baby ang mas kailangan ka, isipin mo, kung anong feelings ng mommy times 3 or more pa sa baby na nasa loob. Walang madali, pero I pray you find comfort and peace in God. ❤️ Wag mong pababayaan ang sarili mo, sa ngayon love you and your baby muna. If possible to cut ties sa ex mo at kung kaya mo naman buhayin ang anak mo, do it. God will let him realize the family he lost, di natin alam when but trust God. Ingatan mo ang sarili mo! God bless!! ❤️❤️❤️

Magbasa pa

Para sa akin, yes, hayaan mo na lng sya. Kung ngayon pa lang ay hindi ka na nya kayang ipagtanggol, huwag ka nang umasa na magically magbabago sya bigla. You deserve someone who will actually love and choose you. Kung willing sya na maging part pa rin ng buhay ng anak mo, then ok, I think your baby deserves that, pero hindi naman kailangang magkasama pa rin kayo in order for him to co-parent your child. Kung pipilitin mo sya to stay with you, kahit hindi ka na nya mahal, broken family pa rin naman ang magiging ending nyo. Kaya it's better to just give each other a chance to find happiness separately. Syempre mas ok rin sana kung kahit magbigay na lng sya ng sustento...

Magbasa pa

let him go sis if ayaw niya mag stay. you won't have a complete family if ipipilit mo tas di willing yung isa. mahihirapan ka lang. I actually broke up with my boyfriend too. at first I was worried, syempre mawawalan tatay anak ko. but then I realized that it just wouldn't work and ako lang nahihirapan. the stress might affect my pregnancy so I decided to end the useless relationship. although it's hard to provide for everything I need for my pregnancy by myself. I didn't have a choice. besides kahit Naman nung kami pa Wala din Naman Siya naitulong kungdi sama ng loob. I'm better now emotionally. Barely getting by financially 😅 kaya natin to sis.

Magbasa pa

Wag mo sukuan, para kay baby mo, tama ginagawa mo na hnd mo sya sinusukuan ngayun, paghiwalayin mo sila ng gf nya, talk with a friend na sya gumawa ng paraan para maghiwalay sila like kausapin ng friend mo ung gf nya ngayun para maconsensya sya. Para kay baby yan, mahirap kasi pg walang ama ang isang bata, lage mgtatanong yan kung bakit ung ibang bata may tatay at nanay, tapos mghahanap yan ng pagmamahal ng ama, para kay baby mii gawin mo lahat at wag mo sukuan si ex mo. Maniwala ka saken mahal kpa din nya

Magbasa pa
TapFluencer

Hi miiii .. 100% Yeeeeesss ndi mo kailangan ng mga ganyang tao/lalaki raise your child on your own. Yung mga ganyang lalaki isn't worth it. Reasons aren't acceptable ndi mo lang kinibo nagka jowa na ng bago tapos ikaw pa pinaghahabol wow. Nakakahiya sakanya kalalaki nyang Tao. Tigilan mo ng maghabol sakanya ndi naman worth it. Tas reason sweet yung girl sakanya? Haha shet what if ndi na din maging sweet at nabuntis din nya yon? so, hahanap sya ulit ng iba?.

Magbasa pa

Yes,hayaan mo na sya gurl. Sustento nalang sa bata ang habulin mo sa kanya khit wag na sya. Wag mo na ipilit na magkabalikan kayo,malas mo at napunta ka sa lalaking walang kwenta. Sustento nalang kamo para sa bata,baby mo nalang isipin mo. Need mo magpachevk up,vitamins,ultrasound,cravings. Yan ang habulin mo sa knya kase lahat yan para sa bata.

Magbasa pa
VIP Member

hayaan mo na sya, wag ka na magpastress sa kanya dahil may impact kay baby ang stress. Ung health ni baby and first priority nating mga mommies. Then, calmly (alam ko mahirap) kausapin mo si ex kung ano mga kailangan nyo ni baby esp sa panganganak mo. Kahit me gf na sya me responsibilidad pa rin sya kay baby.

Magbasa pa

Kahit dina kayo magkabalikan , sabihin mo nalang sa kanila nung gf nya na buntis ka at ang kailangan mo sustento. Kahit yun nalang at hindi kana kamo mangingiaalam sa kung anong relationship meron sila. Ang importante ngayon is yung baby na dinadala mo .

Same situation, momsh. Iwan mo yan. keri mo naman sguro buhayin baby mo mag isa. Ginusto din natin mabuntis eh. so whatever happens dapat keri nating mag-isa. wag maging dependent sa lalaking walang silibi. 🥱🤷‍♀️

1y ago

malas naten momsh, napunta tayo sa walang kwentang lalaki, lalabas talaga ang tunay na ugali na once na nabuntis na nila tayo, gooshhh☹️

Hayaan mo na sya dun and file for child support focus ka sa baby mo