Transvaginal Ultrasound
Anong feeling nung first ultrasound ninyo?
Awkward at uncomfortable haha 13 weeks kc ako nun kaya transV eh malay ko ba na may ipapasok kaya nag panic ako. Pero sobrang happy nung makita ko na 1st picture ng baby ko
I almost cry haha kasi that time di pa ako sure kung itutuloy ko yun pregnancy ko but then narinig ko heartbeat nya and ayun nagbago desisyon ko now i am 19weeks pregnant 😊
kinakabahan ako tas iniisip ko kung gaano kalaki yung ipapasok tas nag dadasal din ako na sana may heart beat si baby ko pero buti nalang maayos heart beat niya 158 bpm
Kinabahan ako kasi akala ko masakit..pero nung nkita ko na baby ko at maganda development niya sobrang saya ko para gusto ko na siyang makita agad☺️
Super happy. Kasi nakita ko si baby and at the same time may heartbeat na rin siya. 7weeks ako nung unang nagpaultrasound ako. 16weeks na ako now. 😊
Kinakabahan nung una pero nung nakita kona at narinig heartbeat ng anak ko sobrang sarap sa pakiramdam. Dahil ilang taon ko din hinintay mag ka anak.
Naiiyak sa tuwa. Super cute kasi 🥰🥰🥰 pero kinakabahan nung una kasi 10wks na ko nagpa-tvs since ECQ kasi nung nalaman kong preggy ako hehe
first trans v utsz ko nyan 12 weeks si baby ang saya parang maiiyak ako nung narinig ko heartbeat niya at nakita ko ang likot niya sa loob hehehe
Kinakabahan sa result lol pero nung confirmed na at sinabi na ni OB na preggy nga ako, naiyak ako sa tuwa. IDK. Pero nakakaexcite 😁🥰
Ako umiyak kasi unexpected c baby 😅 Akala ko cyst lng baby na pala. Sympre d pa ready, but so on naging happy nadin 😊🙏🏻