?

Ano yong bad sa pagbubuntis na nagawa nyo dahil unaware kayo na buntis na pala. Ako ksi nagpakulay ako nga hair, 1 week preggy na pala ako.

143 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

naka Full PPE ako. Basang basa ng pawis ang damit pati short sa loob ng PPE. Nag dadala ako ng mga patient, O kaya ng for swab test From Zambales to Bulacan. O kaya naman from zambales to Manila nang naka Ambulance. Puyat lagi. 48 hrs ang dutyhan. 2days duty, 2days off. pwede naman makatulog sa gabi. basta wala pasyente. pag may pasyente. tiis tiis. Nag bubuhat ako ng mga gamit ng patient ko para dalhin sa quarantine facility nila. 1 time naramdaman ko nalang nasakit yung gilid ng puson ko. basta sa may gilid. akala ko Bato o uti. kasi yung ka buddy ko, lagi ko kasama kumain ng takoyaki at milktea. sinekreto muna namin sa ospital na buntis ako. kahit from 12 sa group, Naging apat na lang kami kasi Nag positive na sila sa covid. kami nalang natira. Okay naman tuloy lang sa duty, kahit papaano yung ka buddy ko, minsan sinasalo nya ang trabaho. Pero 1time, parang nanghina na ako. Ipinadala nya ako dun sa quarantine facility namin para mamonitor ako. para kasing nilagnat ako. o nilamig. ayun bibigyan sana ako ng mga gamot. dun na nalaman ng mga katrabaho namin na buntis pala ako. buong buwan ng pag bubuntis ko Stress ako. sana okay lang to si babay due date ko april 13, 2022

Magbasa pa

Nag yosi. Smoker na talaga ako pero sa di ko alam na dahilan nag yoyosi ako papasok ng trabaho, sa work at pag pauwi ng bahay. Dati kasi pag sa work lang ako nag yoyosi. Uminom rin ng buscopan kasi ang sakit ng puson ko (sintomas na pala yun) Tapos nung nag away kmi ng bf ko, tumakbo ako ng sobrang bilis at umakyat ng mataas na tulay. Tapos ayun nung week din na un nalaman ko 6 weeks na pala akong buntis. On the spot kong tinigil ung yosi ko. Takot na takot ako magpa transv nun kasi baka nagkaproblema na kay baby. Pero thank God wala naman. Di ako marunong mag distinguish ng fetus noon pa lang lalo na pag may nagpopost ng ultrasound scan nila sa social media pero nung nagpa transv ako heartbeat agad ni baby nakita ko at sobrang tuwa naming ng bf ko nun. Mixed emotions talaga.

Magbasa pa

Pumarty, ngpuyat, nglasing, yosi. 9 weeks preggy na pla ako, hindi kupa alam.. Irregular kase period ko. . Matagal na kame ngtatry pero wala tlga. Kala ko my pcos ako. Ayaw ko nman pacheck up kase ntatakot ako. Then one day ng gigisa si mama, masuka suka ako. Hahahaha bigla pumasok na isip ko try ko kaya mg pt. Pinabili ko kapatid ko. Ayun positive! Ngpabili ako ulet. Isang patak palng 2 lines agad. Tawa ako ng tawa. Ayaw ko paeen maniwala. Sinabi ko sa lip ko. Bumili ulet sya 2 pt. Positive ulet. Yung araw na yun ng pacheck up na kame. Tas kinabukasan ng patrasv na. Ayun nakita nmen baby, para syang jelly bean and narinig heart beat.. Ngiyakan pa kame kase di nmen expect. Kung kailan ng stop na ngtry dun sya nabuo

Magbasa pa

Pumunta ng Baguio simula Feb 27 hanggang March 2. 3 nights puyat kasi bakasyon (hindi naman ako nag inom) pero na-expose sa 2nd hand smoking. Uminom ng sleep well para sana makatulog ako sa Baguio (namamahay kasi ako). Lumakad ng lumakad. Minsan pataas pa habang may buhat na mejo mabigat pero hindi naman sobrang bigat. Ayun pag balik ko ng bahay (March 3) pahinga lang mag hapon. Tapos March 4 medical ko dapat sa work kasi kakaresign ko lang dahil nakunan ako at mag wowork na sana ulit, ayun biglang positive sa PT. Hindi pa ako delay non kaya gulat na gulat ako. Pero thankful dahil hanggang ngayon ay okay naman ako. Still praying na maging okay yung Trans V ko next week dahil na-trauma na ako from last year miscarriage.

Magbasa pa
VIP Member

Gimik hahaha inom-yosi-joy ride² di ko pa kase alam na pregnant ako nun, 4months na pala siya😂 di din kase ako nag expect na pregnant pala ako kase irregular kase ako, lagi 3-5months ako hindi dinadatnan eh, kaya wala lang sakin tapos nung nag 5months na parang may kakaiba na sa tiyan ko lumaki na siya tapos may pitik2 na, kaya nag PT ako after nun kase duda nako, kaya ayun positive ang result, nagpacheck up agad ako then okay na okay siya. Tinigil ko na lahat after kung malaman na buntis na pala ako, wala kase akong naramdaman na parang nagbubuntis like morning sickness, etc. nakakatuwa lang kase kapit na kapit talaga si baby ko, blessings talaga siya samin ng hubby ko. ❤ now, 32 weeks nako. Hehehehehehe

Magbasa pa

yosi . inom araw araw. nag pipills pako nun at nag pa booster. sguro may pills ako na di nainom nong December Kaya hindi nako dinatnan ng January. kada araw nag babago pang amoy ko. laging sumasakit ulo ko . nababahuan nako sa alak. diko enexpect naabubuntis ako kase di pa nmen Plano un dahil mahirap pa ngayon pandemic. . pero dahil sinabihan nako ng mga ate ko . mag PT ako . Ayun isang patak palang 2lines na agad . pero thankyou padin Kay Lord hindi man namen na Plano pero binigyan nya padin kme ng habang buhay na regalo . ❤❤

Magbasa pa

Uminom ng kung ano anong gamot kasi sobrang Sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin na sakit ng ulo. Tapos sa work instead na kakain, sa clinic ako Pumupunta para magpahinga at matulog. Factory worker din kasi ako nakatayo every duty, nag O.T. Pa ako from 6pm-6am tapos malayo ang lalakarin from locker room to designated plant ko. After O.T, nagkasakit na ako that time, nagpa check up ako dun ko nalaman 5 weeks preggy na pala ako.. kinailangan kong magresign sa work kasi bawal sa buntis ang trabaho ko. Ngayon 20 weeks na ako😇♥

Magbasa pa

nakapagpa vaccine ako , first dose ko nag pt ako sobrang faint line lang nung isa kaya alam ko negative kasi 7 years kami ttc puro negative naman ako sa pt pcos kasi ako .. tapos 2nd dose ko dina ako nag pt , yaw ko ma hurt eh haha so yun nga complete vaccine na ako 10 days after 2nd dose nag pt ako and ayun preggy na pala ako .. 8 weeks and 4 days na sya nun .. buti okay naman sya .. now I'm 18 weeks preggy na .. sana tuloy tuloy na okay kami ni baby hanggang makaraos ..

Magbasa pa
3y ago

Ganun din po skin naka pag 2nd dose dun aqo nabuntis 4 years n din kmi ng hobby ko ngaung na vccinan aqo now lang qo nabuntis 6 weeks & 3 days na samahan po natin ng dasal para tuloy tuloy c baby 🙏🙏☺️☺️🤰🤰

Nag inom ng alcohol (january kasi yun madaming ganap), uminom ng dulcolaxx (super constipated ko, eh sign na pala yun na magbubuntis ako), nagpa hair dye (kasi naglilihi na pala ako naisipan ko lang tapos ayun pinagawa ko na) tapos nag aral mag drive ng motor. dko ksi alam na meron na pala akong dinadala. im 30weeks preggo na thank god.

Magbasa pa
VIP Member

Nagparebond, nakainom ng alak, lumaban ng volleyball ng sobrang daming beses dina-dive ko pa bola 😢, nagpupuyat hanggang 3am dahil sa events tapos gigising ng 5am, nagpa xray, uminom ng antibiotics kasi akala nung doc di ako buntis nung nagsusuka ko kasi sakit ko na talaga hyperacidity. Pero okay naman si baby 😊

Magbasa pa
5y ago

Nakaanak kna mamsh?