Sign ng pagbubuntis

Mga Mommy, ano po ang sign o nararamdaman nyo nung hindi nyo pa alam na buntis na pala kayo? Gusto ko po sana marinig ang iba't-ibang nararamdaman nyo na sign bago nyo nalaman na preggy na kayo 😊 Naghahanap lang po ako ng ibang details. Thankyou in advance 😘❀️ #pleasecomment

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i-share ko rin po ang akin 😊 Lagkit na lagkit ako sa sarili ko noon . at kahit malayo pa lang ang food na a-identify ko na agad kung ano 'yun . Malakas ang pang amoy ko noon . Mabilis na rin akong maging iretable na rin ako sa kapaligiran ko , tamad na rin ako sa mga gawain ko . At last kaya ko naisipang mag PT dahil one time . Nasa harapan ako ng klase ko ay bigla akong nahilo ng matindi at napakapit sa upuan . At napansin ang mga istudyante ko iyon . Pagka uwi ko , pinabili ko ng PT ang boyfriend ko na ngayon ay asawa ko na . Ginawa ko ang proseso sa madaling araw . At sigundo lang Positive πŸ₯°

Magbasa pa
3y ago

Iba-iba nga po pala talag ang pagbubuntis Maam hehe. Thankyou po sa pagsagot. GODBLESS PO πŸ˜‡πŸ₯°

Nung di ko pa alam na buntis ako parang lagi akong pagod kung hindi naman tamad na tamad kumilos puro tulog din kahit mainit basta makatulog then nag ccrave ako sa foods grabe which is unusual then after ilang days napansin ko ng sobra ko ng delay napansin kong ayaw na ayaw ko ng amoy ng gisang bawang which is di rin ako ganon then oras oras akong parang naduduwal pero wala namng nalabas... dagdag mo pa na parang masakit puson mo na parang mag kakaroon ka na πŸ˜† nag expect ako hehe swollen din boobies not until nag pt ako and it turns out positive

Magbasa pa
3y ago

7 weeks and 3 days mhie nag pa consult muna kasi ako agad sa lying in clinic bago ako nag pa trans v to confirm if ilang weeks and days na

TapFluencer

Hi mi πŸ€— Sakin naman, very first sign ko is tender to touch yung boobs ko. Pag hinahawakan mo masakit. Di kasi nangyari sakin yun pag malapit na ko datnan. Also, antukin. Super duper antukin. As in kahit sa hapag kainan, napipikit ako. Yung para kang nagexercise tapos sobrang pagod mo. Yung exhaustion and tiredness parang ganun. Nagkaron din ako ng white and cloudy na discharge. I didn't know na preggy ako until na-late ako ng period ko. This was 3 mos ago.

Magbasa pa
3y ago

Regular ang period ko. Nung nadelay ako ng period, nagwait ako ng 2 weeks muna bago ko nagtake ako ng PT. Bale 1 month na gestation age ko nun Pero calculate ko 3 weeks pa lang tiyan ko.

hair fall tapos dandruff at feeling maiinit palagi, yung kahit anong ayos pagod pdn itsura ko πŸ˜… then naiinis ako sa amoy ng fried chicken at bbq samantalang favorite ko un πŸ˜…πŸ˜… then nahakbangan ko hubby ko at sya nakaranas ng sobrang antok at mjo masuka suka di pa namin knows na preggy ako nun.. nalaman ko lang nung tlgagang every morning nasusuka ako kaya nag take na ako PT ayun positive 🀣

Magbasa pa
3y ago

hehe iba-iba talaga ang pagbubuntis πŸ₯°

VIP Member

nung diko pa po alam na buntis ako parang lagi lang po akong tamad kumilos. Tas panay kaen ko po may makita lang po akong pagkaen parang gutom na gutom ako haha at sumasakit po yung breast ko sign na pala yun na buntis ako. April 12, 2022 ako nag PT kasi halos 1 week nakong delayed, march may baby na pala sa tummy ko. Diko pa nun alam umiinom pa ko softdrinks buti na lang ok si bb ko. 😊

Magbasa pa
3y ago

Last mens ko March 7, 2022.

VIP Member

Sa firstborn ko, grabe Yung pagdry Ng balat ko, Panay ihi na Rin Ako nun, TAs wait lang na madelay Yung period, at nagpositive sa pt. Sa 2nd baby ko, unexpected sya, Yung first sign ay bigla akong nandidiri sa itlog, kahit Makita or marinig ko lang Yung word na itlog or egg parang nandidiri Nako, Ng nagsuka nako dahil sa amoy dun Nako nag-pt, pak positive.

Magbasa pa
3y ago

Hehe thankyou so much po Mommy 😘❀️

TapFluencer

iba-iba po kasi ang pregnancy. meron yung walang ibang signs bukod sa walang menstruation. meron din yung oversensitive sa mga bagay-bagay gaya ng smell o sa pagkain o kaya mas emotional.

TapFluencer

hello mommy! ako po sobrang antukin. kakagising ko pa lang sa umaga, pagod na ako. working mom po pala ako. un lang talaga naaalala kong naramdaman ko noon. hehe.

3y ago

Kadalasan po talaga sa buntis antukin hehe

sakin mommy hyper acidity, pagsakit ng ulo at pakahilo. parang kala ko dadatnan na ako.

VIP Member

delayed mens lang po alam ko na agad yun πŸ˜