Ano? pwede ko gawin ky baby ko? 1year and 8months na siya. Hilig niya kasi mangagat ng kalaro. Normal ba sa mga bat yon.

Post image
14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po porket normal ay hahayaan na po natin gawin parati. Panigurado pong iiyak ang bata na makakagat ng mga anak natin at more likely magsusumobong po sila sa mga magulang nila na maaring maging sanhi ng hindi pagkaka-unawaan. So hanggat maari ay sawayin na agad.

Hindi ko masabi kung normal ba or what. Pero alam ko may mga batang nangangagat nga. Ung mga anak ko kasi never naman nangagat ng ibang tao. Pagsabihan mo na lang mommy hanggat maaga pa. Sawayin mo every time gagawin nya un para hindi na ulitin.

Ung baby ko namamalo nmn xia sa sobrang tuwa din... 1 yr old p lng xia pero cnasavhan ko lge xia wag mamamalo... sinasaktan kc xia ng mga kalaro nia 4yrs old... sinasapok at dinadagukan xia sa likod. Kya cguro natuto xia mamalo...

Pagsabihan nalang natin sila na hindi maganda yung mangangagat ng playmates. Ganyan din yung anak ko nung 2 years old pa sya. Sabik kasi sa kalaro kaya nanunulak din. Pero ngayong 3 na sya, di na nya ginagawa yun :)

Normal naman po kaso dapat masaway ng maaga. Yung anak ko minsan nanunulak ng kalaro pero dahil sya tuwa. Pero lagi namin sya sinasaway everytime na magsisimula pa lang silang maglaro ng mga playmates nya.

May stage siguro na nahihilig mangagat ang mga bata pero we have to let them know as early as possible na nakakasakit ang ginagawa nila. Dapat malaman nila na hindi na dapat ulitin ang mga ganung gawain.

Bantayan and pagsabihan mo lagi lalo na pag kayong 2 na lang. Ipaliwanag mo mabuti sa kanya na hindi tama at nakakasakit ang ginagawa niya.

normal lang ito sis, ganto din ung anak ko.. mahirap pa sila pagsabihan at this age pero eventually marerealize din nila yan hehehe

Nakakaintindi na po si baby mo mommy pwede na sya pagsabihan. Wag po hayaan lang kawawa naman makakgat nya

thanks