72 Replies
wag naman po sana ipalaglag si baby. swerte po kayo nabiyayaan kayo ng baby po agad samantalang yung ibang mga mga babae like me gustong gusto na magka anak and im still hoping na mabigyan din ako ng blessing na isang anghel na baby katulad ninyo mga mommies.Kaya mo yan mommy napaaga man ang pagdating ng isa pang baby mo ikeep mo sya at alagaan kahit mahirap sila din naman magiging source of happiness mo/natin kahit mahirap sa alaga at gastos. keep safe from covid and please always pray lang po tayo palagi 🙏❤🙏
Wow! Anong utak yan momsh? Sorry ah kung nasasabi ko to. Dala ng hormones ito. Pero grabe naman sana inisip mo muna ang consequences ng walang protection. After sarap ngayon namomroblema ka. Tapos gusto mo pang palaglag. Anong utak yan? Alam mong kasalanan sa diyos yan. Napaka selfish mo naman para ipagkait sa anak mo na mabuhay. Daming babae na gustong gusto magka anak pero hindi na bibigyan. Kung sino ka man anonymous matakot ka sa karma. GODBLESS YOU!!
Its a big NO mommy! bigay ng diyos yan blessing yan mommy kalma lang kakayanin mo yan. isipin mo nalang mommy yung ibang mag asawa gustong gusto magkaanak pero hindi nabibigyan ng pag kakataon. share ko lang na miscarriage ako feb 18 niraspa ako same process ng abortion yung baby ko 11w4d no heartbeat hindi sya nabuo sobrang sakit sakin mommy kase dinala ko sya yan pa kayang sayo mommy. makakaya mo yan tiwala ka lang at mag dasal hindi ka pababayaan ni lord
ako nga rin ayaw kopa masundan. nag change ako ng pills kasi di hiyang sa inject tas bigla naman ako nabuntis 😢 yung akin lang, mag 2 yrs old na first baby ko this July 20. tas ako 5 months preggy, due date ko Aug 17. :(( ayaw ko pa talaga masundan. diko alam bat nakalusot kasi nag family planning naman ako. 😪 kaya ayaw kopa masundan kasi teenage mom pa lang ako. tas magiging 2 na agad anak ko 😪 Cesarian pa naman ako, sobrang gastos pag CS. hys
Ako nga mommy, 8months 1st child ko, nabuntis na naman ako. At ngayon andito na 2nd child namin, 2months na sya at 1st child ko 1yr 5months na, nakayanan naman namin basta magtulungan lang kayo mag partner. Make a sacrifice po for your children. Kaya mo yan magpalaki dalawang anak, kaya niyo yan. Baka na overwhelmed ka lang. Pray lang lagi at ask for guidance ni Lord. God bless you mommy and your growing family. I pray bigyan ka ng peace of mind.
Please don't consider abortion. Totoong mahirap mabuhay sa panahon natin ngayon pero Yung gawin option Ang abortion, Please No! 😔 Maraming babae Ang naghahangad na magkaroon Ng Anak, Ang iba sa ibAng paraan sumusubok. Your baby is a blessing kahit Hindi sya planado. Always remember there is a big blessing behind your situation. Malay mo kaya ipinagkaloob ulit Ang batang Yan sa inyo dahil may magandang Plano c Lord sa Buhay nyo. 🤍
Wahhh wag po, blessings yan ni lord Di naman ibibigay yan kong Di nyo kaya buhayin, kasalanan po yan mamsh😢 kausapin mo po muna asawa mo about dyan para d ka nag iisa Sa desisyon na yan, walang nanay na Di gagawin lahat para Sa anak, siguro Sa ngayon ganyan na hihirapan ka Pero darating din ang panahon sila din hahanapin mo at makakasama mo pag tanda nyong mag asawa, kaya think positive po mamsh kaya mo yan,
ako nga mag 4 months old pa lang non ang baby girl ko nabuntis din agad ako...ngaun mag 11 months na Sya tapos mag 37 weeks preggy ako DITo sa baby boy namin..last april 2021 lang ako nanganak sa baby girl ko tapos april din DITo sa baby boy ko magkasunod lang 2021 and 2022🥰 PCOS FIGHTER ung dati hirap ka mabuntis tapos bigla nagkasunod#seamanswifehere⛴️👪
Seek professional advice po, mommy, kung nalilito po kayo sa gagawin, para ma-guide po kayo nang mabuti. Pwede po sa doctors o DSWD kung di po kaya. It's your choice din naman po kasi pero kami po dito ay pro-life kaya ang makukuha nyo pong sagot sa amin ay ituloy nyo yan. Sorry to say, fault nyo rin po kasi mag-asawa bakit may ganyan kayong problema ngayon, di po kasi kayo gumamit ng contraceptive.
nagpa inject ka sana nung 1month after mo manganak sis. pra assured ka. Wag mo idamay ung bata sa ginawa niyo. alam mong maliit pa baby mo at pag nag contact kayo may posibilidad na mabuntis ka agad pero di kayo nag control or nag contraceptive man lang. anyway i cant blame you. But in the end the decision will be on yours. pero sana wag ka gumawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli. Godbless😊