Diapers

Ano pong magandang brand ng diapers ng new born? Mamypoko Eq dry Huggies Pampers - others

304 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

- Mamy Poko: best quality for me pero mahal - Pampers: ok quality and madaling mahanap sa suking tindahan - EQ Dry: good quality (better than pampers in my experience) and sulit sa presyo nya - Huggies: same quality kay EQ dry pero mas mahal - Lampein: okay sana, mura rin, kaso hindi cloth-like cover so mainit sa singit ng baby - Drypers: OA sa mahal haha Ayan po.

Magbasa pa

Nung NB po si baby EQ Dry ang gamit nya, kasi palit ng palit, mura kasi ang EQ Dry compared sa iba, tska maganda naman hiyang naman ni baby. Ngayong 4 months po sya nag change kami to huggies. Okay din naman, hindi masyadong bulky kahit puno na.

mahal po kasi ang mga brand na yan ng diapers . kya sinanay ko si lo. magic dry or dry fresh na diapers d sya mbbli sa kilala na supermarket. sa malalaking palengke meron. pero para sakin huggies and pampers

Try mo sis magic dry, clothlike naman sya bukod sa budget friendly hnd rin sya agad napupuno.be practical nlng sis iihian at tataehan lng yan ng baby , pro sympre hiyangan parin. Suggestion lang nmn ehe

wala po sa ganda ng brand yan mommy, kung saan po hiyang si baby 😊 meron kasing baby na kahit maganda yung brand di sya hiyang. Kaya much better if mag try ka muna kung ano yung hiyang sa kanya. 😊

huggies dry pants mommy... ive tried all those brands.. ok naman wala naman rashes si bby.. kaso yung quality at dryness medyo off... so far huggies pumasa sa standards ko. sulit kasi.

Eq dry subok ko na, una huggies talaga na pang newborn, kaso ng rashes si lo sa huggies. So ng eq dry kme ayun hiyang sya.. Pero now na 8 months na sya mamypoko pants and eq dry

I used Pampers since one month old na baby ko, sa iba kasi nagrarashes siya tapos nong nag Pampers na ako, sobrang comfortable na niya tas himbing ng tulog at walang rashes na.

Pampers. Pro depende parin kng saan nahiyang si baby. Still cloth diapers parin mas prefer ko ung reusable at washable with microfiber inserts para sa newborn.

pampers 💕 yan gamit ng 1st baby ko at hiyang sya hindi sya nagkarashes since first na pinagamit ko sya pag pinalitan lang ng ibang brand duon sya nagkakarashes ..