rashes

Ano po pedeng gamot po dito?? At san po nakukuha yung ganyan? Ang diaper po nya rascal&friends

rashes
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Base sa picture pula lang po sa may gilid kung san nakapwesto yung garters paglagay ng diaper. Tama po ba?? or may butlig butlig din po? Wag mo mami masyado higpitan paglagay ng diaper baka kasi msyado nagkakafriction sa balat very sensitive oa naman balat ng newborn siguro adjust lang ng luwag luwag or upsize mo diaper para makahinga talaga ung skin. :) Rascal + friends din kasi gamit ng anak kong babae very sensitive skin nya kasi nakailang palit na kami ng diaper jan lang dn siya humiyang 😁

Magbasa pa
5y ago

Baka nga po sguro kaya mas ok pa magsize up agad

Drapolene effective, wag muna diaper lagi lampin muna sya kung susuotan 3 to 4 hrs lng palit agad wag hayaan mababad si baby dyan ng start pag ka rashes at try mo din palit diaper yung dry bka hnd hiyang try mo mamahalin or mumurahin na diaper baby ko kse noon hnd hiyang kpag mamahalin na diaper sa happy lng sya humiyang,,

Magbasa pa

change ka diaper sis, at pag susuotin muh sya diaper make sure na tuyo singit at pwet nia ung mahahawakan muh na smooth na at pag my rashes c baby iwas muna sa diaper mag lampin knah muna. mas mganda nga alternate eh para iwas sa rashes. baby q going 6months never pa ngkarashes.

VIP Member

Para po sa rashes we use calmoseptine pag talagang madami at malala. We use mustela vitamin barrier cream naman para may protection skin ni baby sa diaper pede ilagay every diaper change at kht walang rashes napapansin ko nakinis at less pamumula ng baby ko 😊

Post reply image

Wag puro diaper ma..change every 2-3hours baka nababad sa ihi. Presko time mo rin kahit brief lang o lampin.. You may try cloth diapers too.. Gamit ka calmoseptine or nappy cream ng human nature.

VIP Member

Also, consider changing brands of diaper. Pampers Dry gamit ni baby nung 1st month, then we tried Huggies. Nag-rashes siya sa Huggies. So back to Pampers Dry kami. Hiyangan din kasi.

tinybuds in a rash po. tsaka make sure na tuyo ang nappy area ni baby bago lagyan ng diaper. palitan din ang diaper every 2-3 hrs kahit hindi puno

every 2 hrs mih plit ng diaper, punasan mo ng bulak at maligamgam n tubig.. dapat tuyo bago suotan ng diaper tapos lagyan mo ng petrolium jelly.

Cetaphil lotion or else powder yung enfant anti rashes. (OR PWEDE DIN PA APPOINTMENT KA SA DERMA TO KNOW WHAT IS GOOD FOR BABY)

Nabababad po ang pwet ni baby sa wiwi kaya ganyan. We're using SUDOCREM po. Every magpapalit ng diaper.