Room temperature

Hello, ano po normal/recommended room temp sa newborn? My LO is more than a week old. According to his lola, lamigin daw si LO, kaya kahit daytime ay naka longsleeve at pajama sya at balot na balot pa ng blanket. At nightime naman, we set the aircon at 25 degrees, and same pa din set up niya. Kaso last night we noticed na basa na ng pawis ang ulo niya pati ang sapin niya. Gusto ko sana sanayin si LO sa normal room temp.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi! I've asked my baby's pedia about room temp too because of the aircon. She said that the room should be comfortable enough to sleep without blankets. 24c-25c. If lamigin 25c. Breastfeeding babies po is mas feeling naiinitan (especially after feed) kasi warm ang breastmilk. if pinapawisan si baby, naiinitan sya. Sa baby ko, we removed her hat na when her head starting sweating too. she's only weeks old at that time. She's 4 months now, she doesn't wear hats during bedtime since. Best advice I could give is use a Temp Gun to check your baby's body temperature. We bought ours sa watsons, SAFEFPLUS ung brand. Kunan lang ng temperature si Baby sa may temple nya. Also, magagamit din sa pag temp ito ng bath water :) Always adjust based on the readings of temp gun (36.5c-37c) [pagbumaba sa 36.5c, nilalamig sya. if tumaas sa 37c, naiinitan] and also your observation na din. Delikado kasi sa newborn ung mapapabayaan na ma-overheat or bumagsak ang temperature ni baby. Follow your mother's instict, mommy 😊 PS: Based on my experience, nong nag 3months and a half si baby, nag increase na kmi ng 23c kasi naiinitan na sya. She's also still wearing long sleeves onesies/frogsuits during bedtime para no blankets na :)

Magbasa pa

22-26 temp namin with low fan setting and depende sa panahon we usually set it 9am to 1 am ( mainit sa lugar namin at walang hangin) my MIL also impose pajama and longsleeves with bonnet mittens and boots kahit umaga, walang prob nung una weeks old sya kaso napapansin ko pawisin naden si baby before turning 1 months old lalo ulo kapag nakabonnet sa umaga tapos nagkaka redness yung leeg, batok at mga part na di nahahanginan pag napapawisan. ginagawa ko sa daytime super nipis na pajama and shortsleeves na tie side then bonnet inaalis alis ko kapag napapansin ko pawis na sya to compensate my MIL look for the sign mamumula si baby if ever mainit or naiinitan, then yung balat nya nagkakapatches na white (from our pedia since nagsabi ako kung okay lang whole day naka aircon si LO) or turning slightly purple pag nilalamig also pag hinawakan yung balat nya, kamay or paa ay malamig need nya mag boots and mittens.

Magbasa pa
3mo ago

Thank you for sharing mi.

Malalaman mo kapag lamigin ang baby mo kong malamig ang tummy niya at yung palm niya sa Paa.. Kapag newborn at naka aircon during daytime okay lang mag longsleeves at balutin, pero konh hindi kayo naka aircon during daytime wag niyo po balutin, kasi kawawa yung bata, iiyak yan dahil di sya comfortable. Yung baby ko 1 week lang binalot, after naka adjust sa outside world hindi ko na binalot, during daytime yung fresh lang sa katawan, pero kapag night time, I put pajama and longsleeves and socks and kumot or sleeping sack. Always check your baby, kasi baka matuyoan na ng pawis. Love po ng babies yung aircon hehehehe, kaya wag po 25 tempt mainit po yan.

Magbasa pa
3mo ago

Di naman po sa dehydrated? Pero usually kong comfortable sa maraming layers pero pinapawis pa rin baka di pa regulated body temperature ni baby, dependi po kasi yan. Kasi baka comfortable kasi sa loob ng tummy cover up naman sya, kaya pag labas ganun pa din feeling. But yes po best po talaga sa pedia magtanong sila po talaga expert

In general, kung malamig or mainit para sa inyo, ganun din si baby, although mas pawisin rin talaga ang mga babies. Ang iadjust nyo po ay yung damit nya. Kung malamig, mas balot and more layers. Kung mainit (or pinapawisan si baby), then thinner layers and less skin coverage. Same with pagsu-suot ng socks and bonnet, kung hindi naman malamig, it's not necessary. Just as hindi ok na ginawin si baby, hindi rin naman tama na mainitan sya nang sobra.

Magbasa pa
3mo ago

Thank you sa reply mi.