Ang isang head injury ay maituturing na minor kung ito ay nagpapakita ng sumusunod na sintomas:
Mild headache
Nausea
Pagkahilo
Mild blurred vision
Kung ang kondisyon naman ng iyong anak ay lumala at siya ay nagpakita ng sumusunod na sintomas ay agad na siyang dalhin sa doktor. Dahil ang mga sintomas na ito ay nangangahulugang siya ay nagtamo ng brain injury.
Kawalan ng malay o hindi normal na pagkaantok
Seizures
Problema sa kaniyang mga senses tulad ng hindi makarinig o nag-dodouble vision
Nagsusuka
Dugo na lumalabas mula sa kaniyang tenga o ilong
Memory loss o amnesia
Hirap sa paglalakad o pagbabalanse ng katawan
Samantala, para mabilis na maka-recover ang isang tao mula sa head injury ay mahalagang makapagpahinga siya at iwasan ang mga tao o bagay na makakapag-aggravate ng stress sa kaniya. Dapat ding patigilin muna siya sa paglalaro ng mga contact sports hanggang siya ay fully recovered na.
From:tAP article
Magbasa pa