pa help naman po

Ano po kayang gagawin ko??? Nag aaway away po ngayon family ko at family ng bf ko. Ganito po kasi yun... Gusto ng mama ko na dun muna kami ni baby sa bahay ng mama ko since lumipat na kami dun sa bahay ng biyenan ko mula nung manganak ako. Temporary lang naman kasi madalas kaming walang kasama ni baby dahil madalas late umuuwi yung bf ko dahil may pasok. Wala din madalas yung biyenan kong lalaki dahil nag ttrabaho din, yung biyenan ko naman na babae madalas nasa sugalan. Kaya nung nalaman ng mama ko na kaming dalawa lang ni baby ang naiiwan sa bahay, kinausap niya ko na dun muna kami saknya. Okay lang naman yun sa bf ko. Kaso itong nanay niya nung nalaman na lilipat kami nagalit. Kung ano ano sinasabi. Kesyo wala na nga daw akong ginagawa dun sa bahay nila aalis nalang dw ako bigla bigla. Ang dami pang nakakarinig na kapit bahay. Nagpantig yung tenga ko nung sinabi niya sa bf ko na hayaan nalang kming mag-ina at mag-anak nalang ulit siya ng bago sa ibang babae!!!! Galit na galit ako pero di ko pinatulan umuwi pdin kami dun samin. Nalaman ng mama ko yun dahil namamaga yung mata ko nung umuwi kami. Galit na galit ang mama ko at gusto nya ipatanggal yung apilido ng bf ko sa anak namin. Gusto nya ipapalit sa apilido namin. Kasi itong bf ko simula nung nangyari hndi na kami pinuntahan. Hndi manlang mabisita kahit yung anak nalang nya. Ang sama sama ng loob ko kasi di niya kami kayang ipagtanggol sa mama niya. Wla manlang siyang sinabi nung sinabihan kami ng masasakit ng mama niya. Hindi manlang niya kmi pinigilan umalis o hndi manlang kami hinatid sa bahay namin. Pinabayaan nlang kami basta.. Papayag po ba ako sa gusto ng mama ko na ipatnggal na apilido ng bf ko sa anak ko?

2 Replies

Wag mo po ipatanggal yung apelyido ng bf mo mommy. lalo kung balak mo na pagsustentuhin sya. Kasi wala kang laban once pinatanggal mo. Subukan mo syang kausapin ng maayos and tanungin mo kung bakit ganun ginawa nya. Kung ano ba talaga kayo para sa kanya. Kung sino ba talaga priority nya. Kasi may pamilya na sya eh. Kayo na dapat ang nauuna. Pangalawa na lang magulang nya. Kasi baka hindi sya nagpupunta ay nahihiya siguro sa magulang mo dahil sa sinabi ng nanay nya. Kausapin mo muna maige mommy. Kasi mahirap pong maipit sa away kasi syempre magulang pa din nya yun. Pero kung wala talaga sya ginagawang way para makontak kayo or kung wala ka man balak na hingan syang sustento patanggal mo na po. But isipin mo din po muna kung ok lang ba sayo na lumaking walang ama yung bata.

kung kaya mong buhayin ang baby mo without him, do it mi! sa tingin ko naman kaya kayong suportahan ng mother mo and pag pwede ka na mag work magkaka income ka na

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles