92 Replies
Hi mam ganyang ganyang si lo noon buong mukha may rashes.. nagprogressed pa into seborrheic dermatitis sa kilay, noo at pisngi n may halong atopic dermatitis. (Awang awa ako sa ichura) Cetaphil gentle cleanser lang po advised ng pedia nya thru text yo at wag po pahidan ng kung ano ano. Risky Kasi magpaconsult sa pedia ngayon baka maexpose si baby. Gradual Yung improvement Ng face ni baby and almost clear na yung face nya after a month. Sana magclear na Yung face ng baby mo soon
Nagganyan po baby ko nung magwa 1 week sya, sa leeg naman. Pinapalitan ng pedia yung lactacyd baby wash na gamit namin to Cetaphil gentle cleanser. Nawala. 3 weeks na sya ngayon, palitaw litaw na lang ng konti pati sa face, dahil sa init. Tapos wag masyado iexpose sa mainit si baby, and wag pahalikan kahit kanino. Kahit ikaw mommy wag mo sya kiss, lalo sa face. Pero yang case ng baby mo momsh, baka kailangan na iconsult nyan sa pedia, kawawa si baby e. Pagaling ka bebe. 🙏
Nakakaawa naman si baby. Si LO meron din niyan from birth hanggang maka 2 weeks siya pero sa face lang siya meron tapos ngayon sis ang kinis na. Pwede mo itry un ginawa ko baka magwork kay baby. Nilalagyan ko ng breastmilk before bath. Tapos during bath time, pinupunasan ko ng Cetaphil Gentle Cleanser. Then sa gabi pinupunusan ko ng warm water before bed time. So far ngayon sis ang kinis na ng face ni baby. Araw araw rin pagligo sis.
Hala kawawa naman si baby. Pacheckup nyo na po yan. Mainit ba sa tinitirhan nyo? Dapat baby dove or cetaphil baby gamitin nyo sabon nya tas paliguan araw2. Si baby ko ginamitan ko cetaphil at lagi kami babad sa aircon, ayun nawala yung sa knya. Kumakalat narin yung sa knya dati bumababa na sa tyan. Sa awa ng Diyos ngayon wala na syang rashes.
Hindi po yan basta rashes. Mukha pong AD. Try to consult muna po. May AD baby ko png gamot ko atopiclair pag mild palng pero pgmalala na elica or desowen na. Change ka din po baby bath soap try mo po aveeno or mustela. Wag ka rin po mg lagay ng kalamansi sa pampaligo at wag mo rin po painitan c baby. Mas better po kung nasa aircon siya
Baka allergy si baby mo sa kinakain mo. Ako dati nagka ano din baby ko sabi ng pedia baka nga sa kinakain kom so ayun, binawal ung mga dairy products like manok, itlog, butter,cake, ice cream sa diet ko. More prutas at gulay lang ako. Kasi db kung ano kinakainnnaten ma ttransfer din kay baby yung nutrients sa nadedede nya.
Pa check up mo yan mamsh sa pedia niya .. gnuan din yung 2nd bby ko .. ni request ng doctor mag pa cbc ako bka daw may infection sa dugo .. alhamdulillah wala nmn. May nresita lg pedia na oinment. Tsaka isabon mo sa damit at lampin ni bby dapat perla na white, then always paliguan si bby mganda bby bath na cetaphil
Sis same sila ng Lo ko . Ganyan din sya nung wala pang 1 month . Walang gamot jan sis . Ang sabi ng Pedia namin hayaan lang wag lagyan ng kung ano ano kase baka mairitate ang skin ni baby . Matutuyo din yan sis . Ngayon 1year and 3 months na si lo ko . Mawawala din yan wag mo lagyan ng kung ano ano
Pagkakargahin niyo po lagyan niyo ng malanis na towel (yung soft lang yung tela) yung damit niyo kasi sensitive pa yung balat ng newborn para kung didikit man yung face ni baby hindi direct sa damit. And wag masyadong matapang yung detergent na pinaglalaba sa damit ni baby
Wag kang magcream, hindi din totoo breastmilk. Best to do now is change your baby's body wash/baby bath. Ganyan din sa anak ko noon, try ng try ng eeffect. Yung super mild at walang scent. Sa anak ko nagwork ang Pigeon. You can try other hanggang sa makita mo ano hiyang kay baby.
Pano kung sbhin ng pedia magcream?
Mommy May