Tahi hanggang pwet

Hi! Ano po kaya to? Normal delivery po ako kaso abot kasi sa pwet yung tahi ko dahil malaki baby ko 😅 3 weeks na nung nanganak ako, nung mga nakaraang araw mejo okay na ko di na masyado masakit pag umuupo at naglalakad ako. Pero ngayon mejo masakit nanaman yung pwet ko tapos may lumalabas na ganyan. Sa july 5 pa ulit balik ko sa ob ko. Ano po ba pwedeng gawin para mapabilis yung pag galing.. gumagamit naman po ako ng betadine fem wash. Tapos na rin ako magtake ng antibiotic. Thank you po sa makakasagot.

Tahi hanggang pwet
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo mamsh.Hanggang pwet din tahi ko, May 30 ako nanganak. Til now masakit pa rin sa bandang pwet, iniisip ko nana yung nakikita kong ganyan sa tissue. Minsan marami, minsan konte lang. Babalik nga ako sa OB this week kasi may times din na sumasakit yung vajayjay ko pag matagal ako nakaupo.

2y ago

same po nana rin iniisip ko. pinagstop na ko ng ob ko sa antibiotic kaya akala ko umookay na 😅