21 Replies
ganyan din dati kay baby ko 2weeks old pa lang. mi yung puti na yan, yan yung galing pa sa loob natin sabi ng pedia ni baby. kailangan yan linisin pag naliligo bale binigyan ako ni pedia ng tela na Gaza/gasa tapos lalagyan mo ng baby soap and water yun yung gagamitin mo na panglinis sa leeg ni baby bale dapat maalis talaga yang puti kasi sabi ni pedia dumi daw talaga yan and pag di naalis yan magiging rashes na parang may tubig or nana. pa check up mo sa pedia mi kasi meron pa silang ibinigay na cream Incase na magkarashes
wag nyo pong lagyan ng zinc oxide pag tapos maligo mii , kasi kakapit sa balat ni baby yan tapos pag napagpawisan jan na magstart ng rashes , ganyan nangyare sa baby ko nung mga unang linggo palang sya sa sobrang paranoid ko kada palit ng diaper nilalagyan ko ng rash free na cream ending nagkarashes lalo baby ko , hindi pala advisable na lagyan sila ng mga cream na walang mga rashes , kaya pinastop ng pedia nya yung ginagawa ko tapos puro maligamgam na distilled water lang daw gamitin ko ☺️
mineral water pampaligo mii, tapos pag maglilinis nalang sa gabi yung distilled water , cetaphil soap at cleanser din po gamit namin advice ng pedia nya at yun ok naman na skin ni baby healthy pa tignan yung balat ☺️ 2 months ndin pala baby ko nung unang linggo nya nag ganyan din sya sa leeg at singit kasi sabi ng nurse dun sa ospital pahiran daw namin , ending lalong nag rashes si baby
Naglalagay po kayo ng powder? I suggest wag na muna po. Pwedeng pawis or milk po yan na natapon at nag accumulate sa leeg kasi hindi po napunasan ng maayos. Linisan mo po ng cotton na may warm water, wag super basa then let it dry po. wag mo po hayaan na laging basa kasi naaattract po ang bacteria/fungi sa ganyang environment.
tutuyuin mo mommy mabuti ung leeg nya tapos mejo pasisingawan mo pag hiniga mo xa dapat nakakahinga ung leeg nya naiinitan po kc naiirritate kaya nagkakaroon ng parang maliliit na nana wag mong galawin matutuyo din yan basta palagi mo lang siguraduhin na hindi nabababad sa pawis ung leeg nya
tuwing umaga mi hugasan mo ng cotton na may maligamgam na tubig tapos punasan mo na malambot na tela wag mu muna pulbohan kasi naiiritate po skin ni baby tapos mhi pahanginan mo leeg nya ganyan po leeg ng baby ko gawa ng namamawis sya 😊
hanggat maaari po wag po muna natin lagyan ng pulbo si baby hanggang mag 1yr old. Tsaka pag magdedede si baby lagyan mo po ng lampin or bib para hindi mapunta sa leeg ni baby yung gatas na natatapon sa bibig nya.
Kulang sa linis .. Laging linisan at icheck ang leeg every after magdede or kumain kase minsan my mga pawis,gatas, o kung ano2 pa,kung d malinisan ma irritate ung balat kaya magkaka ganyan.
advise ng pedia ng LO ko no to baby powder sa kahit saang part ng katawan. yung zinc oxide inaapply ko after bath sa mga singit nya or before lagyan ng diaper si baby morning at evening.
punasan mo agad mi pag nadadaluyan ng gatas pag nadede.. tas pag napawis.. bimpohan lang yan pag nagpalit ng damit.. kunting alcohol tas tubig
punasan mo na yan ng bulak with warm water kapag napabayaan mamumula at magsusugat na yan .. wag muna mag pulbo or lagi icheck after feed
Anonymous