Rashes sa face ni baby

Ano po kaya effective na pwede ipahid sa mukha ni baby pangtanggal ng mapupulang butlig na parang rashes ? 2 weeks pa lang po si baby. Thank you.#firstmom #pleasehelp #advicepls #1stimemom #firstbaby

Rashes sa face ni baby
67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

normal nmn po yan pag newborn, iwasan lng mairitate para di lumala few reminders nalang po to consider: 1. kapag po sinasabunan nyo, make sure po na naririnse ng maayos pwede po kayo gumamit ng no rinse soap na gentle lang like mustela. 2. if ginagamitan nyo ng wipes yan to clean mas maigi kung WATER wipes. iba po ang baby wipes na sensitive, iba ang water wipes. May mga sensitive baby wipes po na may halo pa ring chemical, yung iba nga bumubula pa. if under budget, pwede cotton wall pads na malinis, then isoak sa pinakulong purified water, palamigin nyo po muna syempre. yung kaya nang itolerate na warmth ng balat, or distilled water na mismo khit walang kulo. pigain din muna bago ipunas kung msyado marami naabsorb na water ung cotton. 3. pwede nyo rin po patakan ng breastmilk, pero after 2-3mins, anlawan nyo kasi may kakilala ako sa Ph, nilanggam ung anak nya nung di binanlawan. ako d ko na inaanlawan noon kasi winter noong newborn yung anak ko, so far wala ako nakitang langgam that time sa UK. you can use water lng dito sa cotton pads pang anlaw 4. yung mga higaan ni baby, and clothes, lampin, bib, lahat ng madadampi sa balat ni baby, oati ung damit mo po pag kinarga sya, make sure na nalabhan sa mild detergent at nabanlawan ng maayos 5. yung paligid, siguraduhin po malinis. ilayo sa pollution and alikabok 6. pag pinadede or nag skin to skin or hawakan si baby iensure na lng din po na malinis din tayo sa kamay at katawan sana po makahelp :)

Magbasa pa