Baby acne Solution

Ano po gamit sa baby acne.. more than a week na din po kasi yung acne ng baby ko nabawasan yung redness nung pinahidan q ng petroleum jelly pero nagmukhang an-an naman sya. tapos yung sa mukha meron pa dn. Ano po magandang pamahid?

Baby acne Solution
18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

nagkaganyan din po baby ko nung 2 days old palang siya. pumunta kaming pedia tinanong namin kung anong gamot sa mukha niya. then sabi ng pedia hayaan lang kulang mawawala pero ako di ako makampante kasi dumi daw siya. ang ginawa ko, paggising sa umaga maligamgam na tubig tas bulak yun po ang panlinis, tapos bago matulog ganun po ginagawa ko. isang araw lang po nawala na agad yung kay baby ko😊

Magbasa pa

i think sa init lang yan mamsh , ung baby ko ganyan din at may nabasa ako na linisan lang ng tubig na maligamgam ung muka nya gamit ung bulak then after an hour nawawala din sya siguro pag naiinitan si baby bumabalik kaya ganyan lang lagi mong gawin 😉 normal lang yan sa newborn wag maglagay ng kung anu anu 😉

Magbasa pa
4y ago

linisan mo lang lagi ng basang bulak 😉

Your own breastmilk po.. Effective sya sa baby ko.. Then i used cetaphil pero nung nagtagal, yung skin ni baby ko nagiging rough kaya nagchange ako ng body wash nya human❤️nature.. Until now 4months old na sya consistent na human❤️nature gamit ko..

Warm water. And when you bathe your baby, wag mu sabunin yung mukha. Water lang talaga. Kasi sa babies msyado talaga sensitive ang skin. My first baby was like that. I used cotton dipped in warm water and dab lang hindi totally pahid.

sa baby ko lactacid po gamit niya then trigger redness kahit pahiran ng gatas ko at paarawan every other morning. kaya palit po ako soap tender care. nga yun po nag less redness sa mukha sa ulo, at leeg.

keep your baby's face clean lang mamsh. Always wipe it with cotton with clean water like mineral or distilled then let it dry. At least 4 times a day. And make sure yung soft cotton hindi yung rough.

Careful po sa mga ginagamit na liquid soap... Possible po di sya hiyang sa ginagamit niya be observant mommy.. 😊.. Nagkaganyan baby ko until I stop yong liquid soap niya saka tumigil.

Maligamgam na tubig at bulak lng mami pagkagising ni baby at pagkatapos magpaaraw sa umaga.yan ang sabi ng pedia ni baby.. Mawawala din po yan ganyan din sa baby ko❤️

VIP Member

momsh no no sa petroleum mainit yan milk mo okay na momsh o gamit ka cetaphil cleanser anyway normal naman po ang baby acne

Magbasa pa

Mommy wag nyo pong gamitan ng pretroliom mukha n baby change skin po yan try nyo po araw araw pahidan ng milk nyo w/cotton

Related Articles