jusk asking

Ano po bang pwedeng gawin? Nabuntis po kasi ako pero biglang hiniwalayan ako ng bf ko after malaman. Ayaw ng parents nya pati ng parents ko. Gusto nila ipaabort pero nilaban ko. Ilang beses nag hearing sa baranggay para sa support ng baby pero walang nagawa yung baranggay kasi takot sila sa family ng bf ko. Nung nanganak naman ako hindi inacknowledge at gusto patanggal ung name ng father. Ilang beses na ko lumapit sa mga attorney kahit financial support na lang sana sa bata pero walang nakatulong skn. Nakakapanghina lang ng loob. Wala akong makuhang support kahit sa family ko hindi pa rin nila tanggap until now kahit 6months na sya. Nag stop ako ng school para alagaan ang bata. Nagtry ako maghome based job para masupport yung need ng baby ko pero kulang since may monthly payment ako sa ospital after magkasakit ng sepsis ng baby ko, para lang makalabas ng ospital e nagpromisory note ako to pay monthly pero nahihirapan ako kasi maliit lang sahod monthly and 200k yung need ko mabuo.. ask ko lang po.. wala na po ba talagang habol sa tatay kahit financial support kapag totally tinakwil nya yung bata??? Ang hirap po kasi ng situation ko minsan gusto ko na lang sumuko.. nagbibigay lakas loob na lang sakin minsan kapag nakangiti yung baby ko :'(

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mag file ka ng VAWC para mapilitang mag support financially ang lalaki. May habol ka total anak nya yan. Responsibilidad nyang suportahan anak mo.

5y ago

Panu po magfile ng VAWC?