Pagaalaga sa Twins

Ano po bang dapat gawin pag nagsusuka si baby? Nagpanic po kasi ako hndi ko alam gagawin tuwing nagsusuka yung kambal ko :( Feeling ko din may milk sila sa baga kasi lagi silang nggrunt. Pag nagpapahinga din po ko sa umaga feeling ko po hindi din naalagaan ng maayos yung twins ko kasi hinihiga nila agad pagkadede (mixed feeding po ako) , pag nagsusuka po hinhayaan lang nila naiistress na po ako sobra. 1-2 hours lang madalas tulog ko hndi ko na alam gagawin para mamanage ko ng maayos yung pagaalaga sa twins lalo na first baby ko po. Nahihirapan na po ko.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ung suka naman, marami ba o lungad lang? Naglulungad kc c baby pag d sya nakakapg burp ng maayos.

5y ago

suka po talaga kasi dumuduwal po sina baby, tinatagilid ko lang po tas pinapaburp ko ulit. di ko po alam if tama. pag sa umaga po MIL ko po ngaalaga tsaka kapatid po ng asawa ko hindi ko po alam if napapburp po sila ng maayos pag naiidlip ako.

Related Articles