In laws / favoritism

Ano po bang dapat gawin if yung in-laws, especially mga tita ng husband ko, laging pinupuna ang anak ko? English speaking po daughter ko, 3.9years old po siya, di pa siya marunong magtagalog. Lagi na lang yung di siya marunong magtagalog ang issue. Never man lang nila tinanong if anong alam ng daughter ko, never man lang nag-congratulate sila sa awards ng daughter ko. And kino-compare siya lagi sa pinsan nya. Magkaiba sila, yung isa madaldal, yung daughter ko, academics naman. Nakakalungkot lang kasi lagi na lang napupuna daughter ko, naaawa ako. Lumalaki na siya. Bobo tingin nila sa anak ko. Di na lang ako umiimik. Pasok sa tenga, labas sa kabila. Ano dapat kong gawin?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang yan as long as hindi nadidinig ng bata mga sinasabi nila. Best way is to stay away from them. Bisita lng minsan minsan kasi toxic sila. Hindi nakakabuti sainyo mag ina. Basta alam mo sa sarili mo mga kayang gawin ng anak mo at proud ka sakanya okay na yun. Hindi na importante kung anong tingin nila sa anak mo. Honestly, kabaliktaran naman yung sakin na 6yrs old. Favorite sya sa lahat ng apo pero never naman sya nacompare sa iba nyang pinsan. Try to talk to ur inlaws din. Para malaman nila na hindi ka na komportable sa mga sinasabi nila.

Magbasa pa