pinagkaiba ng ob at md doctor

ano po ba pinagkaibahan ng ob at md doctor? ngayon ko lang kasi narealize na yung naghahandle saking doctor is md pala hindi ob kaya pala napapansin ko pang lahatan yung mga pumapasok sa office niya hindi lang buntis. pwede po kaya magpalipat ng doctor? hindi kasi kami dineretso nung nurse sa ob, sa doctor niya kami pinaderetso e samantalang yung tita ko na kasabayan ko rin ng edd at same clinic kami sa ob siya pinaderetso. pwede po kaya magpalipat din ako ng doctor? first baby ko kasi to kaya gusto ko talaga doon sa mas focus sa pagaalaga ng buntis. #pleasehelp #firsttimemom

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

md o medical doctor pangkalahatan na titulo yan sa dulo ng pangalan ng mga doctor.. ang OB po ay isang md rin.. specialization lang po ni OB is sa mga buntis at female reproductive system po.. And Pediatrician, usang md rin pero sa mga bata naman ang specialization.. ganun po yan pag tignan... kung papacheck up po kayo hanapin nyo po sa pangalan nya ang "Obstetrician-Gynecologist" kasi lahat ng doctor po MD naman po yan iba iba langbsila ng ikinadalubhasa po. merong general medicine, surgery,neuro,nephro etc..

Magbasa pa
2y ago

pwede po kaya magpalipat ng doctor pero same clinic lang din? parang hindi po kasi focus ng doctor ko ngayon ang buntis kasi lahat mapa bata, may sakit or ano, sakanya nilalapit. iba rin po yung office niya sa mismong office ng ob. di po kaya sila magagalit or maooffend kung magpapalipat ako? gusto ko kasi yung sa ob talaga ang focus

yes pwedeng pwede ka po lumipat mi.. mas maigi kung lumipat na kayo sa OB ngayon pa lang, dahil yun po ang specialization nya. MD naman din po ang mga OB, meaning po nyan Medical Doctor.. pero baka yung nag ch-check sayo ngayon is hindi po nya specialty ang OB-GYN which is focused po sa pregnancy and female reproductive health. sana nakatulong po mi.. congrats and good luck sa inyong pregnancy!

Magbasa pa
2y ago

Okay mi.. same naman po tayo, 7 weeks ang first tvs ko, then nag request ako sa OB ko kung pwede na ako magpa ultrasound nung 20 weeks ako para makita ang gender ni baby. Pumayag naman po sya. :) Wala naman pong masama kung lilipat kyo ng doctor mi, mas maigi nga po yun na sa OB-GYN talaga kayo nagpa alaga during your pregnancy :)

yeah right yunq yung md kasi makikita mo don sa ultrasound result naka lagay Md. granada... di ba pero ob parin tawag don....di naman ilalagay don dr. granada MD. talaga kahit pag nag reresita ng gamot MD..tapos signature nila

sis hanap ka ng OB mismo kasi sila tlaga ung doctor na specilist sa buntis at female reproductive health. Kapag may baby ka na Pediatrician naman na doctor ang specialist pra sa mga bata Ganun un sis.

baka may health issues po kayo? Pwede naman po kayo lumipat dun sa OB, ilang months na po kayo? may binigay naman po ba sainyo na mga vitamins para sa pagbubuntis ninyo?

2y ago

wala naman po akong health issues at all normal naman po ang mga results ko. hindi rin naman po ako maselan masyado sa pagbubuntis ko ngayon pero gusto ko lang po yung focus po talaga sa mga pregnant patients. nagrereseta naman po siya ng mga vitamins pero concern ko lang kasi is hindi siya ganon nagbibigay ng mga information sakin lalo na first time mom po ako. kung ano lang po babanggitin ko sakanya ayon lang din po sasagutin niya at reresetahan niya. e nagaalala naman ako kasi baka mamaya may mali na pala sakin or may mali pala akong nagagawa pero dahil nga po sa hindi niya naman ako binibigyan ng mga information about sa do's and donts kaya wala akong kaalam alam. isang tanong isang sagot lang po talaga siya. unlike sa tita ko na talagang iniinform daw talaga siya ng ob niya sa mga di dapat gawin at panay tanong daw lagi kung may nararamdaman daw po ba siyang ganito ganyan