breastfeed

Ano po ba mga hindi dapat kainin pag nagpapabreastfeed? Pinagbabawalan kasi ako ng byenan ko na magpabteastfeed dahil sabi nola kinakabag daw si baby dahil sa papadede ko, gusto nila i formula n muna si baby. Ang mga kinakain ko naman po ung mga hinahain nila, kanin, sabaw ng nilagang baka, inihaw n bangus, gulay. Ano po ba dapat gawin, nahhirapan na ako.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Alcohol lang naman ang bawal. Yung iba naman avoid lang like dairy, caffeine, spicy food. Pero iba iba ang babies may maselan talaga sa kanila. Ako pansin ko mas kinakabag si baby pag kumakain ako ng patatas. Pero ang pagformula ay not solution sa kabag, lalo pa nga sila nakaka intake ng air pag bottle-fed. Try mo rin mag ask ng solution sa pedia para sa kabag. Si baby kasi niresetahan ng ob niya ng probiotics, nakakabawas daw sa kabag.

Magbasa pa